Join the campaign (Learn More)

DZAR 1026 : Enrile, naniniwala na maaaring maging pangulo si BBM gaya ni Pangulong Duterte

News & Interviews
6 December 2021

By Vhalery Divinagracia | DZAR 1026

Malaki ang kakahayan na maging presidente ng Pilipinas ang isang tao na may balanseng pag-iisip at common sense.

Naniniwala si former Senate President Juan Ponce Enrile na kaya ni dating gobernador at senador Ferdinand Marcos Jr. na maging pangulo na republika ng Pilipinas.

Ani Enrile kung kaya ni dating Mayor Rodrigo ‘Roa’ Duterte na maging pangulo ng Pilipinas, kakayanin din ito ni BBM.

Dagdag pa ni Enrile, si BBM ay may karanasan sa public service.

Ngunit paglilinaw ni Enrile, hindi pwedeng maging pangulo ang politikong puppet o nadidiktahan lamang.