Join the campaign (Learn More)

DZAR 1026 : Bongbong Marcos, mananatiling kwalipikadong kandidato

News & Interviews
11 January 2022

By Vhalery Divinagracia | DZAR 1026

Mananatiling kwalipikadong tumakbo sa pagkapangulo si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Ito ang sinabi ni dating Justice secretary at Election Law Professor Atty. Alberto Agra sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa kinakaharap ngayon ng disqualification case ni Marcos.

Matatandaan na naghain ng kandidatura si Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) bilang kanilang standard bearer.

Ngunit pinalagan ito ng isang paksyon ng partido na siyang naghain ng disqualification case laban kay Marcos.

Sinabi ni National Commission for Muslim Filipinos Commissioner Abubakas Mangelen, na dating chairman ng PFP, hindi sila pabor na si Marcos ang magiging kinatawan ng kanilang partido sa 2022 Elections.

Gayunman, sa isang pahayag ni PFP Secretary General Thompson Lantion, nilinaw nito na wala na sa pwesto si Mangelen nang inendorso nila si Marcos bilang standard bearer ng kanilang partido.