Join the campaign (Learn More)

DZAR 1026 : BBM-Sara tandem, nangunguna parin para sa 2022 kahit sa survey ng OCTA research

News & Interviews
27 December 2021

By Vhalery Divinagracia | DZAR 1026

Nangunguna sa survey ng OCTA Research group ang tambalang BBM-Sara para sa 2022 elections.

Sa survey na isinagawa nito noong December 7-12, nakakuha ng kabuoang 54% si Bongbong Marcos kung saan sa Mindanao lang ay 63% ang nakuha nito.

Si VP Leni Robredo naman ay nakakuha ng kabuoang 14%; 12% kay Isko Moreno; 10% kay Manny Pacquiao at 5% kay Ping Lacson.

Sa vice presidentiables, 50% ang kabuoang nakuha ni Inday Sara Duterte kung saan sa Mindanao lang ay 71% ang nakuha nito.

33% naman ang kabuoang nakuha ni Tito Sotto III; 9% kay Kiko Pangilinan; 4% kay Willie Ong; at 1% kay Lito Atienza.

Sa mga senador, nangunguna naman si Raffy Tulfo na may 66%; Chiz Escudero at Alan Cayetano na may tig-60%; Loren Legarda na may 58%; Migz Zubiri na may 57%; Jojo Binay na may 48%; Mark Villar na may 48% at Jinggoy Estrada na may 49%.

Mababatid na nanguna rin ang BBM-Sara tandem sa survey na ginawa ng Publicus Asia at Pulse Asia na inilabas noong nakaraang linggo.