Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : PRESIDENTIAL ASPIRANT AT DATING SEN. FERDINAND BONGBONG MARCOS, NAKA ISOLATE MATAPOS MA EXPOSE SA 2 STAFF NA NAGPOSITIBO SA COVID-19

News & Interviews
7 January 2022

By DWIZ 882

Naka self-isolate ngayon si Presidential Aspirant at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ng kampo ni Marcos matapos ma-expose nito ang 2 niyang tauhan na nagpositibo sa COVID-19.

Unang nakasalamuha ni Marcos ang kaniyang Chief Security nuong Martes na ngayon ay naka quarantine na sa isolation facility.

Sumunod namang nakasalamuha ni Marcos ang kaniyang Tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez na nagpositibo rin sa virus.

Sa ipinaabot na mensahe ni Rodriguez sa DWIZ patrol, sumailalim siya kahapon sa RT-PCR test kahapon at lumabas ngayong umaga ang resulta.  —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)