Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : PAGTAKBO BILANG PRESIDENTE NI BBM, SUPORTADO NG MGA TRANSPORT GROUPS

News & Interviews
20 October 2021

By Jennelyn Valencia- Burgos | DWIZ 882

Tiniyak ng iba’t-ibang grupo ng transportasyon ang suporta sa pagtakbo ni Partido Federal ng Pilipinas Standard-Bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na itinuturing nilang “best bet” sa 2022 elections.

Kasama sina PFP Officials Gen. Thompson Lantion at Atty. Vic Rodriguez, nakipag-pulong ang mga pinuno at iba pang opisyal ng malalaking transport group para talakayin ang kanilang pagsama sa partido para maisapormal ang kanilang pagsuporta.

Ang transport group na nagpahayag ng kanilang suporta ay kinabibilangan ng Pasang Masda, FEJODAP, PCDO-ACTO, LTOP, ALTODAP at Tiger in Asia.

Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, naniniwala siyang maraming magagawang maganda si BBM para sa bansa at tiniyak ang pakikipagtulungan para sa pagbabagong at pagkakaisang dala ni bbm.

Sinabi naman ni Liberty De Luna, Acto President, kumpiyansa siya na si BBM ang may malakasakit sa mga drivers at operators na ngayon ay higit na naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan.