Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : ‘NO VAXX, NO RIDE’ POLICY, SUPORTADO NG KAMPO NI BBM

News & Interviews
13 January 2022

By DWIZ 882

Suportado ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “No Vaccination, No Ride” policy ng Department of Transportation.

Ayon kay Atty.  Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, mainam na ipatupad ang naturang polisiya ngayong tumataas ang mga kaso ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Rodriguez na kailangan pa ring paigtingin ng pamahalaan ang Vaccination program nito.

Aniya, kailangan ng mga tao na makapagtrabaho upang mapunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya ngunit kinikilala rin aniya nila ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang balansehin ang problemang pangkalusugan at ekonomiya sa harap ng COVID-19 pandemic.