DWIZ 882 : FERDINAND ‘BONGBONG’ MARCOS JR. UMARANGKADA SA MGA SURVEY

13 February 2022

By DWIZ 882

Muling nanguna si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pinakabagong presidential bets survey ng Pulse Asia.

Ayon Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ng batang Marcos, patunay lamang ito na malaki ang kalamangan ng UniTeam standard-bearer laban sa iba pang kandidato.

Maliban sa Pulse Asia, naungusan din ni Bongbong Marcos Jr. ang ibang presidentiables sa isinagawang survey ng  Tangere, Social Weather Station, OCTA Research, Tugon ng Masa surveys, Publicus, Issues and Advocacies Center maging ang informal surveys ng DZRH, RMN at nationwide Kalye Surveys.

Pagdiin pa ni Rodriguez, nangangahulugan ito na positibo ang pagtanggap ng publiko sa kandidatura ni Marcos.

Aniya, ikinalulugod nila ang ginagawang suporta ng Pilipino sa kanilang mensahe na pagkakaisa para mapanumbalik ang kadakilaan ng Pilipinas.