DWIZ 882 : DAVAO CITY VICE MAYOR BASTE DUTERTE, BUO ANG TIWALA KAY BBM

31 January 2022

By DWIZ 882

Buo ang tiwala ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kakayahan ni Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mamuno bilang  susunod na pangulo ng Pilipinas.

Sa katatapos lang na Kudaraten Festival 2022 noong Sabado, January 29, humalili si Baste para sa kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang inihayag ang kanyang buong suporta para sa tambalang BBM-Sara UniTeam.

Ayon kay Baste, si Bongbong lang ang tanging tumatakbo sa pagka-pangulo na may kakayahang ituloy ang magandang nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Baste, malaki ang tiwala niya kay Bongbong at sa nasimulan ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos, Sr. na aniya’y napabayaan lamang ng mga nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Baste na tulad ng kanyang ama, may magandang vision si Marcos sa bansa at hindi lang para sa personal na interes kundi para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

Samantala, pinasalamatan naman ni Baste ang mga residente at mga Local Government Unit Officials ng Sultan Kudarat sa mainit na pagtanggap sa kanya lalo na sa kanilang suporta sa pamumuno ng ama at maging sa tambalang BBM-Sara UniTeam.