Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : DAGDAG RUTA SA MGA RORO VESSELS PARA SA CALAMITY RESPONSE, ISINULONG NG BBM-SARA UNITEAM

News & Interviews
22 December 2021

By DWIZ 882

Palalawakin ng BBM-Sara UniTeam ang Roll on/Roll off Terminal System ng bansa upang pabilisin ang pagbibigay ng tulong sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad, sakaling manalo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2022 elections.

Ito ang tugon ni Marcos Jr. matapos ang iniwang pinsala ng super typhoon Odette sa Visayas, Mindanao at ilan pang bahagi ng bansa.

Dahil sa pagiging archipelago ng bansa, kailangan anya ng mas epektibong paraan ng pagresponde at pamamahagi ng tulong gaya ng relief goods at heavy equipment.

Ayon kay Marcos, kung madaragdagan ang mga ruta ng mga Roro vessel ay mas mapabibilis ang pagresponde tuwing may kalamidad.

Inihayag din ng UniTeam na agad kumilos ang kanilang volunteer network sa bansa upang magbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Magugunitang binisita ni Marcos noong linggo ang Southern Leyte, Bohol, Cebu at Butuan City upang mamahagi ng tulong sa mga apektadong komunidad.