Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : COMELEC, IBINASURA ANG ISANG PETISYON LABAN KAY BBM

News & Interviews
5 January 2022

By DWIZ 882

Ibinasura ng Commission on Elections ang isa pang petisyon laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kumukuwestyon sa kanyang pagkakakilanlan.

Ang nasabing petisyon ay inihain ng isang Tiburcio Marcos, na independent presidential candidate sa 2022 elections.

Bukod dito, mayroon pang nakabinbing 5 petisyon laban kay Marcos, kabilang na ang 4 para sa diskwalipikasyon at 1 naman ay para sa kanselasyon ng kanyang COC.

Samantala, inihayag ng COMELEC na kung mananatiling bukas ang mga kaso at natapos na ang botohan at nakamit ni Marcos Jr. ang pinaka-mataas na boto ay hindi maka-aapekto ang mga petisyon, base sa panuntunan ng poll body.

Una nang ibinasura ang petisyon ni independent presidential contender Danilo Lihaylihay ang kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC) ng dating Ilocos Norte Governor.  —sa panulat ni Mara Valle