DWIZ 882 : BONGBONG MARCOS, PABOR NA IBALIK ANG PRANGKISA NG ABS-CBN

26 January 2022

By DWIZ 882

Pabor si dating senator at presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na ibalik ang prangkisa ng giant network na ABS-CBN.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Marcos na hindi napalawig ang prangkisa ng ABS-CBN dahil may nakitang problema at violation sa tax code at ilang dokumento ang hindi maipakita.

Pero kung maaayos naman ang problema, wala nang nakikitang dahilan ang dating senador upang ipagkait ang prangkisa.

Kagabi, ini-award na ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pag-aari ng bilyonaryong si Manny Villar ang frequency ng channel 2 at 16 at iba pang frequency na nahinto ang operasyon dahil sa tigil-operasyon ng ABS-CBN. —sa panulat ni Abby Malanday