Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : BONGBONG HINIKAYAT ANG MGA PINOY NA TULARAN ANG MGA KABAYANIHAN NI RIZAL

News & Interviews
30 December 2021

By DWIZ 882

Hinikayat ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang mga pilipinong gawing halimbawa ang katapangan at pagiging makabayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Nanawagan din si Marcos sa bawat Pilipino na palagiang isipin at isapuso ang kabayanihang ipinamalas ni Rizal para na rin sa ikauunlad ng Pilipinas.

Kasabay nito, tiwala ang dating senador na muling makakabangon ang bansa mula sa COVID-19 pandemic at mga kalamidad, basta’t patuloy na magkakaisa ang mga Pilipino.

Hinimok pa ni Marcos ang publiko na isantabi ang mga pulitikal na paniniwala, at isulong ang ‘mapagkaisang pamumuno’.