DWIZ 882 : BBM BINALAAN ANG KANYANG SUPPORTERS LABAN SA FAKE NEWS NA LAYONG BUWAGIN ANG UNITEAM

2 February 2022

By DWIZ 882

Nagbabala si presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang mag taga-suporta laban sa mga fake news na layong buwagin ang tandem nila ng kanyang runningmate na si Davao City mayor inday Sara Duterte-Carpio.

Kasunod ito ng ulat na nagkaroon umano ang kanyang kampo ng sikretong pagpupulong kasama si Sen. Vicente “Tito” Sotto, kabilang na ang umano’y ulat na sinusuportahan ng kanyang asawa na si Liza ang vice presidential bid ng senador.

Aniya, matatag ang commitment ng Uniteam sa isa’t isa at hindi ito basta basta mabubuwag.

Desperado na aniya ang kanyang mga kalaban kaya’t gumagamit na sila ng disinformation at iba pang mga taktika.

“With the faith and loyalty of our supporters to the Uniteam and their dedication to its goal, i am certain that we shall survive these fake news and other distasteful political challenges to enable us to collectively push our firm resolve to unify the country and give our fellowmen the future that they deserve,” pahayag ni Marcos.