Join the campaign (Learn More)

DWIZ 882 : BBM AT SARA DUTERTE, HINILING SA KANILANG SUPPORTERS NA IPAGPALIBAN MUNA ANG CARAVAN DAHIL BANTA NG OMICRON VARIANT NG COVID-19

News & Interviews
1 January 2022

By DWIZ 882

Hiniling ng kampo nina Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Sara Duterte sa kanilang supporters na ipagpaliban muna ang mga caravan sa Metro Manila dahil sa pinangangambahang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Sa gitna na rin ito nang pagtataas sa alert level 3 ng sitwasyon sa Metro Manila simula sa January 3.

Ayon sa grupong kumakatawan kay BBM, pinakamahalaga sa kanila ang kaligtasan ng mga sasama sa caravan kaya’t mahigpit din ang bilin nila sa kanilang supporters na mag-ingat at palaging isaalang-alang ang pagsunod sa IATF ng mga political mobilization plans.

Umaapela rin anila sila sa BBM Sara supporters na suspendihin ang mass gatherings at sumunod sa mga panuntunan sa ilalim ng alert level 3 na epektibo sa Metro Manila hanggang January 15.