DWIZ 882 : AGARANG DESISYON SA DISQUALIFICATION CASE NI MARCOS, PANAWAGAN NI ATTY. ALEX LACSON

1 February 2022

By DWIZ 882

Nanawagan si kapatiran party at Tropang Leni-Kiko Senatorial Candidate, Atty. Alex Lacson sa mga COMELEC Commissioners na agad na desisyunan ang disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Lacson, dapat ay kalimutan muna nila na sila ay galing sa iba’t ibang lugar, dahil higit na mahalaga ngayon na ipakita nila na sila ay COMELEC Commissioners ng buong sambayanang Pilipino.

Hinimok rin ni Lacson ang mga commissioners na huwag magpadala sa pera, presyur o impluwensiya ng mga makapangyarihang tao.

Samantala, sinabi rin ni Lacson na hindi political branch ng gobyerno ang COMELEC kundi isang independiyenteng komisyon na naguutos na ipatupad ang mga batas na may kaugnayan sa halalan.—sa panulat ni Mara Valle