Daily Tribune - PET, pinamamadali sa VP protest results

News & Interviews
5 December 2020

By Daily Tribune

Ilang mga grupo ngayon mula sa Mindanao ang nananawagan sa Korte Suprema na kailangan na nitong madaliin ang pagproseso sa inihain na election protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagka-bise presidente noong 2016 election.

Ayon sa grupo, napapanahon nang madaliin ng kataas-taasang korte — na siya ring tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) – dahil masyado na umanong matagal ang nagiging proseso para sa pagdinig ng inihaing protesta ng kampo ni Marcos.

Dagdag pa ng grupo, halos apat na taon na ang lumilipas kung kaya naman hindi na dapat pang magtagal ang mga kinauukulan upang mailabas ang totoong nangyari sa botohan noong 2016.

Kung matatandaan, hiniling na rin ni Marcos na mag-inhibit si Supreme Court associate justice Marvic Leonen dahil umano sa pagiging bias ng hukom kay Vice President Leni Robredo.

“It is clear that we’ll never get justice if Leonen is around because of his hatred towards me and my family. This is evidenced by his past decisions where he unequivocally condemned me and my family. It’s obvious he’s doing everything in his power to suppress the real story behind the 2016 Vice-Presidential elections, disenfranchising millions of Filipinos who wanted nothing but credible elections,” saad ni Marcos sa isang naunang panayam noong nakaraang buwan.

Samantala, naglabas naman nitong Nobyembre ang PET ng isang gag order upang pigilan ang magkabilang kampo na magsalita pa sa publiko kaugnay sa kanilang kaso.

“In view of the recent appearances and statements of the parties, their counsels and their agents in various media outlets including print, broadcast and social media, the Presidential Electoral Tribunal reiterates its Resolutions dated February 13, 2018 and March 20, 2018 directing the parties to strictly observe the sub judice rule,” sabi ng PET.

“These are not the proper venues to litigate their case. The parties, their counsels and their agents are sternly warned that any more violation of this order shall be dealt with more severely,” dagdag nito.