Join the campaign (Learn More)

CAVITE GOES ‘ALL IN’ FOR BBM @ 62%; PING, 16%, LENI, 9%; ISKO, 6%

Press Releases
13 January 2022

IF elections are held today in Cavite, presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. is the landslide winner after scoring 62 percent in a recent internal survey across the province.

In his official Facebook page, Cavite Governor Jonvic Remulla, revealed that the internal survey was conducted  on 1,600 respondents throughout Cavite on December 1 to 5.

“Surveys are a snapshot in time. If the election was held today? BBM will win in Cavite by a landslide, ”said Remulla.

Ping Lacson, a known Cavite native, is far second with 16 percent, while Leni Robredo falls to third with nine percent; Isko Moreno, six percent; and Manny Pacquaio, four percent.

 “I believe he will win the presidency in 2022. It’s his time. It’s his destiny, ”the governor added.

According to the latest records of the Commission on Elections (Comelec) in 2019, Cavite is the second most vote-rich province in the country. Cavite has more than two million voters, second only to Cebu with the largest number of voters with more than three million voters.

Meanwhile, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) is known as the most vote-rich region in the country with more than eight million voters or 14 percent of the total voters population.

It can be recalled that Bongbong and his tandem, Davao Mayor Inday Sara, continue to lead in all reputable surveys in the country.

-30-

FILIPINO VERSION

CAVITE ‘TODO NA’ KAY BBM @ 62%; PING,16%; LEN, 9%; ISKO, 6%

KUNG ngayon gagawin ang halalan sa probinsya ng Cavite, sigurado na ang panalo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos itong makakuha ng 62 porsyento sa internal survey na isinagawa sa buong probinsya.

Ito ang inihayag mismo ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kanyang opisyal na Facebook page, patungkol sa internal survey na isinagawa sa 1,600 respondents sa buong Cavite nitong Disyembre 1 hanggang 5.

“Surveys are a snapshot in time. If the election was held today? BBM will win in Cavite by a landslide,” ani Remulla.

Malayong pumapangalawa lamang si Ping Lacson na kilalang tubong Cavite na mayroong 16 porsyento, habang bumagsak sa pangatlo si Leni Robredo na mayroong siyam na porsyento; Isko Moreno, anim na porsyento; at Manny Pacquaio, apat na porsyento.

“I believe he will win the presidency in 2022. It’s his time. It’s his destiny,” dagdag pa ng gobernador.

Ayon sa pinakahuling talaan ng Commission on Election (Comelec) nitong 2019, ang Cavite ang pangalawa sa itinuturing na vote-rich province sa buong bansa.  Aabot sa mahigit dalawang milyon ang botante sa Cavite, pangalawa ito sa Cebu na nangunguna sa may pinakamaraming botante na mayroong mahigit tatlong milyong botante.  

Kilala naman ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na pinaka-vote-rich na rehiyon sa buong bansa na mayroong mahigit walong milyong botante o 14 porsyento na kabuuang voters population.

Matatandaan na patuloy na namamayagpag sa lahat ng survey ng mga respetadong kumpanya si Bongbong at kanyang ka-tandem na si Davao Mayor Inday Sara.

-30-