Join the campaign (Learn More)

Business Mirror : (Inampon ng Partido Federal) INDAY SARA VP NI BONGBONG

News & Interviews
13 November 2021

By Business Mirror

INIHAYAG ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na inampon nito si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kandidato sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Inendorso rin ng partido si Inday Sara bilang runningmate ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Naglabas ng resolusyon ang Executive Committee ng PFP matapos maghain ng kandidatura sa Comelec si Duterte-Carpio para sa pagka-pangalawang pangulo sa ilalim ng LAKAS-CMD.

“RESOLVED that vice presidential candidate MAYOR SARA DUTERTE CARPIO, of the LAKAS-CMD, is hereby ADOPTED by the PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS as its candidate for vice president, and hereby ENDORSES her candidacy as the running mate of the PFP’s official candidate for president of the Philippines SENATOR FERDINAND R. MARCOS, JR. in the May 9, 2022, national elections,” bahagi ng resolusyon.

Binanggit din sa PFP resolution na hindi ito nag-isyu ng Certificates of Nomination and Acceptance o CONA at wala rin itong mga opisyal na kandidatong senador at bise presidente sa halalan.

Ang party Chair at standard-bearer ay binigyan ng “full power and authority” para pumili ng Vice Presidential running mate at senatorial line-up.

Si Marcos na ang adbokasiya ay ang tumatak na unifying leadership, ay nananatiling kalmado at mapagkumbaba sa gitna ng malisyosong pagkilos para sirain ang kanyang kandidatura sa halalan sa 2022.

Mahusay rin ang naging resulta sa mga survey ng Presidential preference, kung saan ‘napakalaki’ ng pangunguna ni Marcos sa iba pang mga kandidato. Lumitaw rin sa survey na ang Bongbong-Sara tandem ay magreresulta sa landslide na pagkapanalo para sa dalawa.