Join the campaign (Learn More)

Bulgar Online : Isa pang petisyon laban kay Marcos, ibinasura ng Comelec

News & Interviews
4 January 2022

By Lolet Abania | Bulgar Online

Isa pang petisyon laban sa presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos Jr. ang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec).

Sa isang virtual press conference ngayong Martes, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang petisyon na inihain ng ka-apelyido ni Bongbong na si Tiburcio Marcos ay na-denied ng komisyon.

”‘Yung kay Tiburcio Marcos has already been denied,” sabi ni Jimenez.

Ayon kay Jimenez, ang nasabing petisyon ay na-dismiss bago pa ang Bagong Taon.

Batay sa petition ni Tiburcio Marcos, “‘impostor’ Bongbong Marcos does not exist as legal person as the real one has been deceased since 1975.”

Gayunman, habang inianunsiyo ni Jimenez na ang petisyon ay ibinasura na, hindi pa aniya nakapagbigay ang Comelec ng kopya ng desisyon.

Samantala, sinubukan namang hingan ng kopya ng desisyon ang kampo ni Bongbong subalit wala pa silang tugon hinggil dito sa ngayon.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Jimenez na mayroong isang petition na nagpapakansela sa certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente ni BBM at apat na disqualification cases laban sa dating senador, kung saan nananatiling naka- pending sa Comelec.

Noong Disyembre 16, ibinasura ng Comelec ang petisyon na inihain ni Danilo Lihaylihay, kung saan nais nitong ideklara si Bongbong Marcos bilang isang nuisance candidate.