Bulgar Online : Gulung-gulo na ang mga botante sa drama ng mga Duterte

News & Interviews
4 October 2021

By Ka Ambo | Bulgar Online

Tuliro na ang Duterte Administration.

Sorpresang nagsumite ng COC si Sen. Bong Go bilang kandidatong pagka-pangalawang pangulo.

Sorpresa rin naghayag ng pagreretiro sa pulitika si P-Digong.

Final na?

◘◘◘

TALIWAS sa inaakala ng marami, nag-file rin ng COC si Mayor Sara bilang reelectionist sa Davao City.

Huh, ano ba ang talaga?

◘◘◘

MARAMI ang nagsasabing pautot lang ito ng Pamilya Duterte dahil naghihinala ang ilan na aktuwal talagang kakandidatong pangulo si Inday.

Kumbaga, nililito lang nila ang mga kalaban sa pulitika.

Ang problema, natutuliro rin ang mga botante!

◘◘◘

SOBRANG tahimik lang ang kampo ni Sen. Bongbong Marcos kung saan nararamdaman ng ilang nagmamasid na posibleng ang anak ng dating pangulo rin ang mamanukin ng Pamilya Duterte sa 2022 presidential elections.

Kumbaga, walang duda, si Marcos ay kasangga ng mga Duterte!

◘◘◘

DALAWA lang ang maaaring kauwian ng kandidatura ni BBM.

Una, kumandidatong pangulo-suportahan o hindi suportahan ng mga Duterte.

Ikalawa, muling kumandidato sa pangalawang pangulo na pinaniniwalaan “sure win candidate?

◘◘◘

MAY iba’t ibang senaryo sa pagkandidato ni BBM.

Puwedeng bigla siyang manukin ng Pamilya Duterte bilang pangulo!

◘◘◘

ANG pagkandidato bilang pangulo ni Marcos mula sa suporta ng Pamilya Duterte ay isa ring “sure win” na diskarte.

Tanging si Marcos lamang ang may malinaw na “numero o bilang ng solid votes”!

◘◘◘

ANG solid votes ni BBM ay magmumula sa iba’t ibang pangkat.

Una, solid votes mula sa Ilocandia.

Ikalawa, solid votes mula sa Central Visayas na Sugbuanon-Waray dahil sa kanyang ina na si ex-FL Meldy!

◘◘◘

IKATLO ay ang boto mula sa mga Marcos Loyalist.

Ano ang Marcos Loyalist?

Ito ay suporta mula sa mga ordinaryong tao na nabibiyayaan ng mga proyekto ng Marcos at mga ayuda na ipinamigay nang libre sa panahon ng Marcos Regime kasama na rito ang housing, study now, pay later program sa edukasyon at ayuda sa mga magsasaka.

◘◘◘

IKAAPAT na malaking bulto ng boto ni Marcos ay mula sa “organic part” ng Marcos Administration.

Ano ang ibig sabihin ng “organic part” ng Marcos Regime?

Hiwalay ang “organic votes” sa “loyalist votes”!

◘◘◘

ANG “organic votes” ay boto mula sa mga taong itinalaga at direktang konektado sa gobyerno sa panahon ni Marcos.

Una, ang mga sundalo at pulis na na-recruit mula sa Northern Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.

Sila ang mga binansagang “sundalong kanin”, hinugot sila mula sa matinding pagdarahop para magkaroon ng “stable income” bilang miyembro ng AFP at Integrated National Police (INP).

Idinedestino sila sa malalayong lugar nang walang reklamo pero binigyan pa ng sariling bahay!

◘◘◘

KABILANG din sa organic votes ay ang mga empleyado, kawani at officer ng Ministry of Human Settlements (MHS) at Kabataang Barangay (KB).

Halos 10 taon tumagal ang MHS at KB kung saan mayorya rito ay maka-Marcos!

◘◘◘

HINDI mababakbak ang organic votes, bagkus ay gagastos pa ang mga ito para lamang matiyak na makakabalik sa Malacañang ang mga Marcos.

Dahil sa edad, marami rin sa mga orihinal na bahagi ng Marcos Administration ay nagsiyao na.

Pero, ang isang boto na yumao ay nagkaroon muna ng lima hanggang 10 supling sa ngayon.

Ang pagiging “die-hard Marcos” ay direktang naipamana sa kanilang mga anak at apo na siyang malaking bulto ng boto para sa mga Marcos!

◘◘◘

HINDI tatalab ang anumang fake news o black propaganda laban sa mga Marcos dahil personal na karanasan at emosyon ang pundasyon ng Marcos votes.

Tanging si BBM lang ang may ganyang karaming boto na hindi mabakbak ng sinumang karibal!

◘◘◘

KUNG nais ng Pamilya Duterte na magluklok ng matibay na kasangga sa hinaharap, walang iba silang pupuntahan kundi ang suportahan si BBM.

Kapag sinuportahan ng mga Duterte ang Marcos presidency, makakaiwas sila sa “atake” ng mga kritiko at mabibigyan ng pagkilala ang kontribusyon ng Duterte administration ngayon at sa hinaharap