Bulacan’s ‘Pink City’ goes red; throws full support behind UniTeam

10 February 2022

SAN Jose Del Monte, Bulacan, known as the “Pink City” because its local government employees wear pink uniforms, recently gave a warm start to the Bulacan tour of the UniTeam by fully supporting the BBM-Sara tandem.

Shortly after the UniTeam caravan arrived in the area, thousands of residents and city hall employees flocked to the newly-built sports complex, with hundreds of them arriving at the venue before dawn.

Many of them did not dare to leave their occupied areas for a minute for fear that someone else would occupy them.

“Sa lahat ng mga kandidatong dumalaw sa amin dito, ngayon lang ganito ang mga tao. Mga kandidato sa iba-ibang posisyon pero hindi sa president kasi si BBM lang ang pinapasok dito na presidentiable,” a city hall employee who was assigned as one of the shepherds for the event said.

While Marcos was on board an open float on his way to the stage, the cheer of support from the crowd resonated clearly, while some of the people jostled against one another just to be able to touch his hands.

There was an elderly woman who edged her way to the side of the float and held up a placard that reads, “Kahit isa lang ang mata ko gusto ko pa ring makita si BBM.”

When Marcos read the written message, he immediately held out his hand and shook hands with her. It was learned that she indeed, could see with only one eye since her right eye was blinded by glaucoma.

The presidential aspirant was like a movie star as people kept asking for his autograph, handing over whatever they had in handy that he could sign on.

When he spoke, the people avidly listened to Marcos as he expressed his appreciation of the warm welcome that he received and stressed that it would be easier for the country to recover from the economic blow dealt by the pandemic and rise up again if every Filipino has a sense of national unity.

“Ang pagkakaisa ng ating bansa ang kailangan para maitawid natin sa pandemya ang ating bayan at maibangong muli.  Kaya magandang simbolo para sa ating bansa ang pagsanib pwersa namin ni Sara,” Marcos said.

“Ipagkaisa muna natin ang sambayanan. Kapag nagawa natin ‘yun, maraming magagandang pagkakataon ang magbubukas para sa Pilipinas. Kasama kami ni Sara sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng Pilipinas. Hindi lang tayo babangon sa pagkalugmok ngayon, tayo ay sisikat pa sa buong mundo. Lahat tayo ay magiting na isisigaw, ‘Ako ay Pilipino,’” he continued.

The crowd cheered at his words and shouted their support.

After his speech, Marcos was prevented from immediately going back to his seat because he was asked to shake more hands and sign more autographs.

A young lady near the stage took off the outer shirt she was wearing and asked him to sign it.

After the event in San Jose Del Monte City, Marcos had a motorcade all the way to Baliuag, Bulacan. Groups of people waiting by the roadsides took selfies while the motorcade passed through the different municipalities along the way to Baliuag.

In Baliuag, Marcos met with the officers and members of the Bulacan Chamber of Commerce and Industry where they discussed pressing concerns in the province on agriculture, infrastructure, and industrial, among others, and how they could be addressed.

-30-

FILIPINO VERSION

‘PINK CITY’ SA BULACAN NAGKULAY PULA SA UNITEAM

KUNG dati’y kilala ang San Jose del Monte, Bulacan bilang Pink City dahil sa kulay ng uniporme ng mga government employee sa lokal na pamahalaan, mistulang nabalewala ito dahil sa ipinakitang suporta ng mga residente nang dumugin ang ‘Bulacan Tour’ ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Wala iyan sa suot naming damit. Nasa puso at isip namin na ang iboboto namin ay si Bongbong Marcos. Pula kami sa isip, salita at gawa,” sigaw ng isang city hall employee na kasama sa libo-libong nagpakita ng suporta sa UniTeam.

“Sa lahat ng mga kandidatong dumalaw sa amin dito, ngayon lang ganito ang mga tao. Mga kandidato sa iba-ibang posisyon pero hindi sa president kasi si BBM lang ang pinapasok dito na presidentiable,” sabi ng isa pang empleyado.

Habang sakay ng isang pick-up truck, dinig na dinig ang hiyawan at sigawan ng mga tao.

May isang lola naman ang naglabas ng placard na ang nakalagay ay: “Kahit isa lang ang mata ko, gusto ko pa ring makita si BBM.”

Nang mapansin siya ni Marcos ay lumapit ito sa matandang babae at doon niya nalaman na totoong bulag ang kanang mata nito dahil sa glaucoma.

Nagmistulang artista si BBM na bukod sa kagustuhang maka-selfie ng mga tao, karamihan sa kanila ay gusto ring magpa-autograph.

Ang tili, hiyawan at sigawan ay bigla namang nanahimik nang mag-umpisa nang magtalumpati si Marcos lalo nang banggitin niya na pambansang pagkakaisa ang magiging susi upang makabangon ang bansa mula sa pagkakadapa dahil sa pandemya.

“Ang pagkakaisa ng ating bansa ang kailangan para maitawid natin sa pandemya ang ating bayan at maibangong muli.  Kaya magandang simbolo para sa ating bansa ang pagsanib pwersa namin ni Sara,” ani Marcos.

“Ipagkaisa muna natin ang sambayanan. Kapag nagawa natin ‘yun, maraming magagandang pagkakataon ang magbubukas para sa Pilipinas. Kasama kami ni Sara sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng Pilipinas. Hindi lang tayo babangon sa pagkalugmok ngayon, tayo ay sisikat pa sa buong mundo. Lahat tayo ay magiting na isisigaw, ‘Ako ay Pilipino,’” dagdag pa nito.

“Marcos, Marcos kami!’ paulit-ulit na sigaw ng mga Bulakenyo.

Matapos magsalita, hindi na rin nakabalik sa kanyang upuan si Marcos dahil pinaunlakan nito ang mga tagasuportang nais siyang kamayan at pagbigyan sa hiling na mga autograph.

Nagulat naman ang ilang tao sa stage nang isang dalaga ang naghubad ng damit para ito papirmahan kay Marcos. “Mabuti may isa pang damit na nakasuot sa kanya,” sabi ng isang local politician.

Mula San Jose Del Monte City, ikinasa muli ang motorcade patungong Baliuag, Bulacan kung saan ay muli itong pinagkaguluhan ng libo-libong supporters.

Nakipagkita si Marcos sa mga opisyales at miyembro ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry at napag-usapan doon ang mga problemang dapat ayusin sa probinsiya patungkol sa hanay ng agrikultura, imprastraktura, usaping pang-industriya at maraming iba pa.

-30-