BULACAN GOV. DANIEL FERNANDO IS YET TO ANNOUNCE HIS PRESIDENTIAL BET

12 March 2022

CONTRARY to an earlier statement by Leni Robredo's camp, Bulacan Governor Daniel Fernando has not yet formally endorsed the candidate he will truly support for the presidency in the upcoming May 9, 2022 elections.

According to Fernando, their party will discuss who they will really support and possibly announce it before or after March 25, the first day of the campaign for the local elections.

Recently, a news apparently erroneously contained that Fernando had openly supported Robredo when he visited their province.

He even called Robredo as president when he was introduced on stage.

However, Fernando clarified that he calls all candidates in national or local positions based on what position they are running for.

“Sa Bulacan naman kasi … kumukha niyan, tinawag ko ang mga bokal ko na  ‘bokal’ kasi iyon ang tinatakbo nila. Iyong kapitan naman namin tinatawag kong ‘konsehal’ kasi tumatakbo na siyang konsehal ngayon,” said Fernando in an interview.

When asked if it is possible that he will support the leading presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., his answer was: “Malalaman natin iyan before or after March 25.”

The official said that any statement he makes regarding the candidate they will support will be consulted with their party. “Tahimik muna ako at hindi muna ako magko-komento,” he added.

Fernando is a member of the National Unity Party (NUP) where most of his colleagues and fellow governors have already openly declared their support for Marcos. Some of them are Abra Gov. Maria Jocelyn Bernos, Cavite Gov. Jonvic Remulla and Tawi-Tawi Gov.Yshmael Sali.

Fernando admitted that he is a close friend of Senator Imee Marcos because in the 80s he was also a chairman of Kabataang Barangay (KB).

“Kami iyong pangalawang batch ng KB at kaibigan ko talaga si Senadora Imee,” said the former actor who is now a politician.

Fernando is now running again as governor of Bulacan and his opponent is Vice-Governor Willy Sy-Alvardo who has previously expressed support for Marcos.

-30-

FILIPINO VERSION

BULACAN GOV. DANIEL FERNANDO, WALA PANG INAANUNSIYONG PRESIDENTIAL BET

TALIWAS sa naunang pahayag ng kampo ni Leni Robredo, wala pang pormal na ineendorso si Bulacan Governor Daniel Fernando kung sino ang tunay na susuportahan nito sa pagkapangulo sa darating na May 9, 2022 elections.

Ayon kay Fernando, pag-uusapan pa ng kanilang partido kung sino talaga ang kanilang susuportahan at posibleng ihayag ito bago o matapos ang Marso 25, ang unang araw na umpisa ng kampanya para naman sa lokal na halalan.

Kamakailan, naging laman ng balita ang diumano’y hayagang pagsuporta ni Fernando kay Robredo nang dumalaw ito sa kanilang lalawigan.

Tinawag pa nitong pangulo si Robredo nang ipakilala sa entablado.

Magkagayunman, nilinaw ni Fernando na lahat ng kandidato sa national o local positions man ay tinatawag niya base sa kung anong posisyon ang kanilang tinatakbuhan.

“Sa Bulacan naman kasi … kumukha niyan, tinawag ko ang mga bokal ko na ‘bokal kasi iyon ang tinatakbo nila. Iyong kapitan naman namin tinatawag kong ‘konsehal’ kasi tumatakbo na siyang konsehal ngayon,” ani Fernando sa isang panayam

Nang tanungin kung posible ba na ang nangungunang presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang kanyang tunay na susuportahan, ang sagot nito ay: “Malalaman natin iyan before or after March 25.”

Sinabi ng opisyal na anumang pahayag na kanyang gagawin patungkol sa susuportahang kandidato ay isasangguni muna niya sa kanilang partido. “Tahimik muna ako at hindi muna ako magko-komento,” sabi pa ng opisyal.

Si Fernando ay miyembro ng National Unity Party (NUP) kung saan karamihan sa mga kasamahan at kapwa nito gobernador ay hayagan nang nagdedeklara ng suporta kay Marcos. Ilan sa kanila ay sina Abra Gob. Maria Jocelyn Bernos, Cavite Gob. Jonvic Remulla at Tawi-Tawi Gob.Yshmael Sali.

Inamin ni Fernando na malapit niyang kaibigan si Senadora Imee Marcos dahil noong dekada ‘80 ay naging chairman din siya ng Kabataang Barangay.

“Kami iyong pangalawang batch ng KB at kaibigan ko talaga si Senadora Imee,” anang dating aktor na pulitiko na ngayon.

Si Fernando ay tumatakbo uli ngayon bilang gobernador ng Bulacan at ang makakalaban nito ay si Vice-Governor Willy Sy-Alvarado na nauna nang nagpahayag ng suporta kay Marcos.

-30-