Brigada - SC, binawi ang show cause order vs Calida, reporter

News & Interviews
24 November 2020

By MHEL PACIA | Brigada

Binawi ng Supreme Court na umuopo bilang Presidential Electoral Tribunal, ang kanilang desisyon na nag-uutos kay Solicitor General Jose Calida at isang journalist na ipaliwanag kung bakit hindi sila kailangang i-cite in contempt, kaugnay sa vice-presidential poll protest.

Ang desisyon ng SC, ay matapos na unanimous na maresolba ng tribunal na maglabas ng show cause order laban kay Calida at Manila Times reporter Jomar Canlas.

Nananatili namang hindi malinaw kung anu ang nais ng PET na ipagpaliwanag nina Calida at Canlas, dahil hindi pa naman naglalabas ang Kataas-taasang Hukuman ng kanilang resolusyon.

Matatandaan na ibinasura rin ng tribunal ang hiwalay na mosyon na inihain ni Calida at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para mag-inhibit sa electoral protest case si Associate Justice Marvic Leonen.

Ang poll protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo, ay nananatiling pending, simula noong July 2016, o halos dalawang taon nalang na natitira sa termino ng pangalawang pangulo.