Brigada News : Tiktok user na nasa likod ng assassination threat kay Marcos Jr., sumuko sa NBI

9 February 2022

By Brigada News

Hawak na ng National Bureau of Investigation ang isang tiktok user na nasa likod ng umano’y assassination threat laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez tagapagsalita ni Marcos boluntaryong sumuko sa NBI ang suspek Martes ng gabi.

Sinabi ni Rodriguez tagapagsalita na titingnan nila kung gaanong kalalim o yung extent ng pananakot ng suspek.

Nabatid na batay sa post ng Tiktok user, araw-araw umano silang nagkikita para paghandaan ang pagpatay kay Marcos Jr. at pinaghahanda nito ang dating senador.

Una nang sinabi ng TikTok Philippines na permanenteng banned na ang account ng nasabing user, at makikipagtulungan ito sa NBI sa naturang usapin.