Brigada News : Marcos Jr., nanguna sa presidential survey ng OCTA na nilahukan ng1,200 na indibidwal

28 February 2022

By Brigada News

Nagdomina si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Sa isang tweet, ay ipinakita ni Dr. Guido David ang resulta ng presidential survey kung saan ay nakakuha si Marcos ng 55% preference votes.

Isinagawa ang survey mula February 12-17, matapos ang opisyal na paglulunsad ng campaign period para sa May 2022 elections.

Nasa kabuoan na 1,200 na indibidwal ang rumesponde sa survey kung saan ay tinanong sila kung sino ang kanilang ibobotong presidente sakaling ganapin ang eleksyon ngayon.

Sumunod naman kay Marcos sina Vice President Leni Robredo na may 15%; Manila Mayor Isko Moreno na may 11%; Senator Manny Pacquiao na may 10%; at Senator Panfilo Lacson na may 3%.

Ipinunto naman ni David na may margin of error na 3% ang survey.