Brigada News : Comelec, denepensahan mga poll execs mula sa pro-Marcos bias tag

25 January 2022

By Brigada News

Ibinasura ng Commission on Elections ang akusasyon na pagiging bias, laban sa tatlo nilang commissioners, na tumutol na harangan ang presidential bid ni Bongbong Marcos.

Una nito, pinuna ng grupo ng human rights advocates na kinakatawanan ni lawyer Theodore Te ang umano’y “manifest bias” nina Commissioners Socorro Inting, Antonio Kho, Jr., at Rey Bulay ng poll body’s Second Division.

Depensa ni poll body spokesman James Jimenez, inaalagaan ng commission ang integridad ng kanilang mga commissioners.

Binigyang diin ni Jimenez na si Inting, na siyang sumulat sa kinukuwestiyong desisyon, ay nasa Hudikatira na sa loob ng 20-taon.

Dagdag ng poll official, na ang paghiling para mag-inhibit ang mga commissioners, mula sa case review, ay tanging common remedy ngayon ang kabilang partido. //MHEL PACIA-TRINIDAD