Bongbong to revive BLISS project in socialized housing push

20 April 2022

PRESIDENTIAL frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. said he would bring back the Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) project to address the mounting housing backlog in the country should he win in the May 2022 national elections.

Speaking before a massive crowd during his recent campaign sortie in Quezon City, Marcos said that some of the original BLISS project started in the said city and stressed the need for a swift response to the country's housing shortfall.

"Alam niyo po dito nagsimula yung BLISS housing development.  Babalikan po natin yan.  Dahil malaki talaga ang pagkukulang (ng pabahay) hindi lamang dito sa Quezon City, kundi sa buong Pilipinas," Marcos said.

In 1984, former President Ferdinand E. Marcos distributed 25,000 land titles to housing beneficiaries from Balintawak, Quezon City, where he also inaugurated the New Teachers BLISS Condominium II, which still stands today and is now a thriving community.

The BLISS project was part of the Land for the Landless Program in Metro Manila that President Marcos started in 1981 to realize the hopes of the urban poor to have their land and their own homes.

The highly successful program was under the stewardship of then First Lady Imelda Romualdez Marcos, who was also concurrent Minister of Human Settlement then.

According to government estimates, the country's total housing demands will reach 6.8 million units by the end of 2022 and, if left unresolved, will reach 22 million units by 2040.

"Siguro ang kulang na pabahay sa Pilipinas ay six million na.  At ibig sabihin, six million sa ating mga mamamayan, mga pamilya, sila ay squatter dun sa kanilang tinitirhan... Pagka-nagkataon sa panahon ko naman, gagawin ko hindi lamang sa Quezon City kundi sa buong Pilipinas," Marcos added.

Marcos and his running-mate, Inday Sara Duterte, have vowed to pursue a holistic approach to resolving the housing needs of the poor through policy and legislative reforms.

One initiative unveiled by Marcos recently was his intention to revive Pag-IBIG's 7-Day Take Out Policy to expedite the processing of low-cost housing loan applications.

Marcos and Duterte are expected to win in the upcoming polls, as virtually all pre-election surveys have shown that the duo is back by a large majority of the Filipino electorate.

OCTA Research released a pre-election survey on Monday that shows Marcos leading the other contenders for the presidency with his 57% voter preference, followed by his rival at only 22%.

Meanwhile, Inday Sara also posted a 57% voter preference and is being trailed by a fellow VP hopeful with only 23% voter preference.

Marcos is on the cusp of making history as the first majority president elected in a multi-party setup when he secures the mandate from the Filipino people.

-30-

FILIPINO VERSION

BLISS 2.0 tugon ni Bongbong sa kakulangan sa pabahay

SINABI ni presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. na ibabalik niya ang Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) project para tugunan ang tumataas na backlog sa pabahay ng bansa sakaling manalo siya sa May 9, 2022 national elections.

Sa kanyang pagsasalita kamakailan sa campaign sortie sa Quezon City, sinabi ni Marcos na ang ilan sa orihinal na proyekto ng BLISS ay nagsimula sa nasabing lungsod at idiniin ang pangangailangan para sa mabilis na pagtugon sa lumolobong kakulangan ng pabahay sa bansa.

"Alam niyo po dito nagsimula yung BLISS housing development. Babalikan po natin yan. Dahil malaki talaga ang pagkukulang (ng pabahay) hindi lang dito sa Quezon City, kundi sa buong Pilipinas," sabi ni Marcos.

Noong 1984, namahagi si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ng 25,000 titulo ng lupa sa mga benepisyaryo ng pabahay mula sa Balintawak, Quezon City, kung saan pinasinayaan din niya ang New Teachers BLISS Condominium II, na nakatayo hanggang ngayon at ngayon ay isa nang maunlad na komunidad.

Ang proyekto ng BLISS ay bahagi ng Land for the Landless Program sa Metro Manila na sinimulan ni Pangulong Marcos noong 1981 upang maisakatuparan ang pangarap ng mga maralitang tagalungsod na magkaroon ng kanilang lupain at sariling tahanan.

Ang matagumpay na programa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, na siya ring Ministro ng Human Settlements.

Ayon sa pagtatantiya ng gobyerno, aabot sa 6.8 million units ang kabuuang kakulangan sa housing units ng bansa sa pagtatapos ng 2022 at, kung hindi mareresolba, aabot sa 22 million units pagsapit ng 2040.

"Siguro ang kulang na pabahay sa Pilipinas ay six million na. At ibig sabihin, six million sa ating mga mamamayan, mga pamilya, sila ay squatter dun sa kanilang tinitirhan... Pagka-nagkataon sa panahon ko naman, gagawin ko hindi lamang sa Quezon City kundi sa buong Pilipinas," dagdag pa ni Marcos.

Nanindigan si Marcos at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte na hahanap sila ng mga paraan para tugunan ang problema sa pabahay sa pamamagitan ng mga reporma sa polisiya at pagtulak sa mga kinakailangang batas.

Isa sa inisyatibo na inihayag ni Marcos kamakailan ay ang kanyang intensyon na buhayin ang 7-Day Take Out Policy ng Pag-IBIG para mapabilis ang pagproseso ng mga low-cost housing loan applications.

Inaasahang mananalo sina Marcos at Duterte sa paparating na botohan, dahil halos lahat ng mga pre-elections surveys ay nagpakita na ang dalawa ay suportado ng malaking mayorya ng mga botanteng Pilipino.

Nitong Linggo, naglabas ang OCTA Research ng isang survey na nagpapakita ng malaking kalamangan ni Marcos sa iba pang presidentiables at siya ay nakakuha ng 57% na voter preference. 

Habang nasa malayong pangalawa ang isa niyang karibal na may 22% voter preference lamang.

Samantala, nagtala din si Inday Sara ng kaparehas na 57% voter preference na sinundan naman ng isa pang kapwa VP hopeful na may 23% voter preference lang.

Nakatakdang gumawa ng kasaysayan si Marcos sa nalalapit na eleksiyon.  Sakaling siya ang manalo, siya ang magiging kauna-unahang pangulo na nahalal ng mayorya sa isang multi-party na sistemang politikal.

-30-