Join the campaign (Learn More)

BONGBONG, SARA MOBILIZE VOLUNTEER NETWORK TO AID TYPHOON ‘ODETTE’ VICTIMS

Press Releases
17 December 2021

Former senator Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. and Davao City Mayor Inday Sara Duterte tapped their network of volunteers to distribute relief goods to those affected by the onslaught of Super Typhoon Odette.

The BBM-Sara UniTeam volunteers have prepared relief packs containing 5kgs of rice, assorted canned goods such as sardines, corned beef, meatloaf, milk, and instant coffee.

“Ready na yung mga relief goods na ipamimigay namin, mayroon tayong bigas, grocery packs para sa mga nasalanta ng bagyo, nakaalerto na ang mga volunteers ng BBM-Sara UniTeam na magsitungo at ipamahagi ang mga tulong na ito,” said the UniTeam.

The UniTeam volunteer network has also prepositioned some relief goods in critical areas to facilitate its distribution. 

“Nakamonitor ang aming opisina sa bagyong Odette at tinitignan natin kung ano pa ang mga kakailanganing tulong ng mga nasalanta.  Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin tayo sa mga lokal na pamahalaan para agad na maihatid ang mga tulong na ito” they added.

The UniTeam has prepared 6,000 relief packs for the Samar Province, 6,000 for Leyte Province, 2,000 for Tacloban, and 6,000 for Masbate.  Volunteers are still busy preparing several batches of relief goods for distribution to other areas requiring aid.

Bongbong and Sara also appealed to fellow Filipinos to continue praying for the safety of those displaced or affected by the Super Typhoon.

“Nakakalungkot dahil ilang araw na lamang ay pasko na at nagkaroon pa ng bagyo. Ganun pa man patuloy lang tayong manalangin sa kaligtasan ng ating mga kababayan lalo na dun sa mga naapektuhan ng bagyo,” said the UniTeam.

The BBM-Sara UniTeam also encouraged those along the typhoon's path to follow the government's emergency bulletins to stay safe and away from the dangers posed by Typhoon Odette.

“Para sa ating mga kababayan na apektado ng bagyo, sumunod po tayo sa gusto ng pamahalaan, kung kinakailangan lumikas, eh gawin na po natin para po tayo ay makaiwas sa anumang kapahamakan,” said BBM-Sara UniTeam.

PAGASA last spotted Typhoon Odette's center over the coastal waters of P. Garcia in Bohol at 7:00 pm.  It made its sixth landfall at Bien Unido, also in Bohol. 

Odette was moving with maximum sustained winds of 185 kph with gustiness of up to 255 kph and moving westward at 30 kph.

-##-

FILIPINO VERSION

BONGBONG, SARA KAPIT-BISIG SA PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG 'ODETTE'

Pinakilos nila dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang mga volunteers upang makatuwang sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Odette.

Ang BBM-Sara UniTeam volunteers ay naghanda ng mga relief pack na naglalaman ng 5kgs ng bigas, ibat-ibang delata tulad ng sardines, corned beef, meatloaf, gatas, at mga kape.

“Ready na yung mga relief goods na ipamimigay namin, mayroon tayong bigas, grocery packs para sa mga nasalanta ng bagyo, nakaalerto na ang mga volunteers ng BBM-Sara UniTeam upang magtungo at ipamahagi ang mga tulong na ito,” sabi ng UniTeam.

Ang UniTeam volunteers ay maglalaan din ng mga relief goods para sa kritikal na mga lugar upang mapadali ang pamamahagi nito. 

“Nakamonitor ang aming opisina sa bagyong Odette at tinitignan natin kung ano pa ang mga kakailanganing tulong ng mga nasalanta.  Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na rin tayo sa mga lokal na pamahalaan upang malaman ang aktwal na kundisyon sa mga lugar na nasalanta,” dagdag ng dalawa.

Ang UniTeam ay naghanda ng 6,000 relief packs para sa probinsya ng Samar, 6,000 para sa probinsya ng Leyte, 2,000 para sa Tacloban, at 6,000 para sa Masbate.  Ang mga volunteers ng UniTeam ay abala pa rin sa paghahanda ng mga karagdagang batch ng relief goods para ipamahagi sa iba pang mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Nagsumamo rin sina Bongbong at Sara sa ating mga kababayan na patuloy ipagdasal ang kaligtasan ng mga taong naapektuhan ng nasabing Super Typhoon.

“Nakakalungkot dahil ilang araw na lamang ay pasko na at nagkaroon pa ng bagyo. Ganun pa man patuloy lang tayong manalangin sa kaligtasan ng ating mga kababayan lalo na dun sa mga naapektuhan ng bagyo,” sabi ng UniTeam.

Hinikayat din ng BBM-Sara UniTeam ang mga nakatira sa daraanan ng bagyo na sundin ang emergency bulletins ng gobyerno para manatiling ligtas at malayo sa mga panganib na hatid ni Typhoon Odette.

“Para sa ating mga kababayan na nakatira sa mga lugar na babaybayin ng bagyo, sumunod po tayo sa mga abiso ng pamahalaan. Kung kinakailangang lumikas ay gawin na po natin para po makaiwas sa peligro,” sabi pa ng BBM-Sara UniTeam.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng Bagyong Odette sa baybayin ng P. Garcia sa Bohol nang alas-7:00 ng gabi. Nag-landfall si Typhoon Odette sa ika-anim na pagkakataon sa Bien Unido, Bohol.

Kumikilos si Odette na may lakas ng hanging aabot sa 185 kph at may pagbugsong aabot sa 255 kph at kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kph.

-##-