Bongbong most trusted presidential bet in 2022, pre-election survey says

6 March 2022

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. is the most trusted presidential candidate in the fast-approaching 2022 national elections, according to the results of a survey released recently.

In the latest iteration of Laylo Research's presidential voter preference survey, Marcos obtained a net trust rating of +59, indicating a deep motivation among Filipino voters to elect him potentially as the country's first majority president in the forthcoming polls.

Marcos' trust rating is 47 points ahead of the nearest contender, Manila Mayor Isko Moreno, who only got a +12 rating. 

Following Moreno are Sen. Ping Lacson with -8, Leni Robredo with -15, and Sen. Manny Pacquiao with -19.

The UniTeam presidential bet's trust rating across the major voting areas is in a different class altogether, with +59 in the National Capital Region (NCR), +78 in North / Central Luzon, +40 in South Luzon, +46 in the Visayas, and +70 in Mindanao.

When asked who could best continue the good things started by President Rodrigo Duterte, Marcos emerged as the top choice of the respondents, with 64% saying he is the man for the job.

Marcos and his running-mate Inday Sara Duterte have pledged to continue the flagship projects started by the Duterte administration, namely the Build, Build, Build program to spur the country's economic recovery.

Survey respondents also see Marcos as the candidate who can probably do more than Pres. Rodrigo Duterte, with 59% of the respondents affirming this.

Even Marcos' number of 'hard voters,' or those who will not change their mind in voting for him, have remained steady at 56%.

It only shows that a large chunk of the voting public has decided and will no longer be swayed even by underhanded tactics.

Also, in this survey, Marcos garnered a 63% voter preference which is 46% higher than his nearest rival.

Laylo Research did the fieldwork for the survey from Feb. 14 to 21, 2022, and utilized 3,000 respondents.

The UniTeam has consistently refrained from engaging in negative campaigning and instead focuses on its clarion call for unity.  For the group, achieving unity is the first crucial step towards national recovery from the effects of the COVID-19 pandemic.

-30-

FILIPINO VERSION

59% ng botanteng Pinoy tiwala kay BBM, 47% ang layo sa ibang kandidato

Lumabas sa isang pre-election survey kamakailan na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang pinaka-pinagkakatiwalaang kandidato sa pagkapangulo sa darating na 2022 elections.

Sa pinakahuling bersyon ng presidential voter preference survey ng Laylo Research, nakakuha si Marcos ng net trust rating na +59, na nagpapahiwatig ng malalim na motibasyon sa mga Pilipinong botante na ihalal siya bilang unang mayoryang presidente ng bansa.

Lumamang ng 47 puntos ang trust rating ni Marcos kaysa sa pinakamalapit na contender na si Manila Mayor Isko Moreno, na nakakuha lamang ng +12 rating.

Kasunod ni Moreno sina Sen. Ping Lacson na may -8, Leni Robredo na may -15, at Sen. Manny Pacquiao na may -19.

Kapansin-pansin ang mataas na trust rating ng UniTeam presidential bet sa mga pangunahing lugar na marami ang botante. 

Nakakuha si Marcos ng +59 sa National Capital Region (NCR), +78 sa North/Central Luzon, +40 sa South Luzon, +46 sa Visayas, at +70 sa Mindanao.

Nang tanungin ang mga survey respondents kung sino sa mga kandidato ang maaaring magpatuloy sa magagandang nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, si Marcos pa rin ang nakatanggap ng pinakamaraming boto sa 64% na nagsasabing siya lamang ang makakagawa nito.

Nauna nang sinabi ni Marcos at ng kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte na ipagpapatuloy nila ang mga magagandang proyektong nasimulan ng administrasyong Duterte partikular ang Build, Build, Build program upang pasiglahin ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Nakita rin sa survey na sa pananaw ng mga botanteng Pilipino, si Marcos ang kandidato na maaaring mahigitan ang mga nagawa ni Pres. Duterte matapos na makakuha siya ng 59% na boto mula sa mga respondents.

Maging ang bilang ng mga 'hard voters' ni Marcos  o ang mga hindi na magbabago ang isip sa pagboto sa kanya, ay nanatiling matatag sa 56%.  Ipinapakita lamang nito na ang malaking bahagi ng publikong bumoboto ay nagpasya na at hindi na makukumbinsi o maniniwala sa mga paninira.

Ayon pa sa nasabing survey, nakakuha rin si Marcos  ng 63% na voter preference na 46% na mas mataas kaysa sa kanyang pinakamalapit na karibal.

Ginawa ng Laylo Research ang fieldwork para sa nasabing survey mula Pebrero 14 hanggang 21, 2022, at nag-interbyu ng 3,000 respondents.

Ang UniTeam ay patuloy na umiiwas sa pakikibahagi sa negatibong pangangampanya at sa halip ay tumutuon sa panawagan para sa pagkakaisa. Para sa kanila, ang pagkamit ng pagkakaisa ay ang unang mahalagang hakbang tungo sa pagbangon ng bansa mula sa mga epekto ng pandemyang COVID-19.

-30-