Bongbong maintains strong lead in MBC-DZRH's latest survey

20 March 2022

WITH less than two months before the May 9 elections, the survey numbers of presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. remain strong as he leads in yet another pre-elections poll, this time conducted by DZRH, a reputable and one of the leading and with the widest reach radio stations in the country.

The latest Desisyon 2022 survey conducted on March 12 showed Bongbong got 49.8% of the votes from 7,566 respondents.

This lead reflects his previous survey including Pulse Asia's recently released results where Bongbong solidified his lead by posting a 60% voter preference.

It can be recalled that Bongbong attended DZRH's 'Bakit Ikaw? Presidential Job Interview' where he was praised for his intellectual and in-depth answers on how he will handle the government under the UniTeam leadership.

Instead of attending televised forums, Bongbong and his running-mate Inday Sara Duterte prefer to conduct their campaign sorties in various parts of the country to deliver their message of unity and present their programs of government directly to the people.

Far behind Bongbong in the latest DZRH survey are Leni Robredo with 21.4%, Isko Domagoso with 9.8%, Manny Pacquiao with 8.0%, and Ping Lacson with 4.7%.

The undecided was recorded at 3.9%.

-  30 -

FILIPINO VERSION

Bongbong nanatiling malayong una sa DZRH survey

ILANG linggo na lamang bago ang halalan ay mas napatatag pa ni presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos ang matibay na hawak sa kalamangan laban sa kanyang mga katunggali matapos na muling manguna sa pre-election poll na inilabas ng DZRH, isa sa pinakakilala at pinakikinggan na radio station sa buong bansa.

Base sa kanilang pinakabagong Desisyon 2022 survey na isinagawa noong Marso 12, 2022, nakakuha si Bongbong ng 49.8% na boto mula sa 7,566 na respondents.

Pinatotohanan ng survey na ito ang naunang nailabas na survey ng Pulse Asia kung saan nanatili ang malaking kalamangan ni Bongbong matapos makakuha ng 60% voter preference.

Matatandaan na sumalang si Bongbong sa 'Bakit Ikaw? Presidential Job Interview' ng DZRH kung saan napabilib niya ang taumbayan dahil sa kanyang intelektwal at malalim na sagot kung paano niya hahawakan at patatakbuhin ang pamahalaan matapos siyang magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

Patuloy sa pangangampanya si Bongbong at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte sa iba't-ibang parte ng bansa upang ihatid ang kanilang mensahe ng pagkakaisa at mga programa para sa mga Pilipino ng direkta sa mamamayan.

Ayon din sa survey, nasa malayong pangalawa si Leni Robredo na may 21.4%, Isko Domagoso 9.8%, Manny Pacquiao 8.0%, at Ping Lacson 4.7%.

Samantala, ang undecided o wala pa ring napipiling kandidato ay nasa 3.9%.

-  30 -