Join the campaign (Learn More)

BONGBONG GETS OVERWHELMING VOTE IN LATEST PRESIDENTIAL PREFERENCE SURVEY

Press Releases
23 October 2021

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. emerged as the number one Presidential candidate in the upcoming 2022 elections based on the results of the 3rd Quarter survey released by PUBLiCUS Asia Inc. on Friday.

Marcos, who offers a unifying brand of governance once elected, was chosen by 49.3% of the respondents followed by Leni Robredo with 21.3%, Isko Moreno with 8.8%, Ping Lacson with 2.9%, and Manny Pacquiao with 2.8%.

Marcos was way ahead of the other Presidential hopefuls as more voters showed an overwhelming preference for him in key voting areas. In NCR, Marcos cornered more than 40% of the votes. While in North and Central Luzon, he got a whopping 55.7%. In South Luzon, he obtained 38.2%, while in the Visayas, he registered 44.7%. Topping this monstrous performance with a 62.5% voter preference in Mindanao. 

The Pahayag survey is the latest Presidential preference survey released after Davao Mayor Sara Duterte declared she will not be running for President in the 2022 polls and instead run for re-election.

Marcos’s performance in the Pahayag survey confirmed the growing grassroots support for his candidacy. Also, informal surveys such as the Kalye Surveys conducted by independent YouTube vloggers in various parts of the country consistently showed him as the top choice of the people.

-##-

FILIPINO VERSION

Suporta Kay Bongbong Bumuhos Sa Pinakahuling Presidential Survey

Nanguna si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa mga tumatakbo sa pagka-Pangulo sa darating na 2022 election ayon sa resulta ng Presidential preference survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Biyernes.

Ayon sa lumabas na resulta, nakuha ni Marcos ang 49.3% ng mga boto ng mga respondents.  Sumunod sa kanya si Leni Robredo na may 21.3%. Pumangatlo lamang si Manila Mayor Isko Moreno na may 8.8% at sinundan naman nila Ping Lacson na nagtala ng 2.9% at ni Manny Pacquiao na nakakuha lamang ng 2.8%.

Milya-milya ang kalamangan ni Marcos sa iba pang Presidential hopefuls at overwhelming ang naging pagkiling ng mga botante sa kanya lalo na sa mga importanteng voting areas.  Sa NCR, nakuha ni Marcos ang 40% na boto.  Samantala, sa North and Central Luzon, nakakagulantang na 55.7%  ng mga boto ang kanyang nakuha.  Sa South Luzon, nagtala siya ng 38.2%. Sa Visayas nakuha niya ang halos kalahati ng mga boto sa 44.7%.  Nakakalulang 62.5% naman ang nakuha ni Marcos na voter preference sa Mindanao.

Ang Pahayag survey ay ang latest Presidential preference survey na lumabas matapos magdeklara si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya interesadong tumakbo bilang Presidente sa darating na halalan sa 2022 bagkus ay muling kakandidato bilang Mayor.

Ang malakas na performance ni Marcos sa Pahayag survey ay kumukumpirma sa lumalaking suporta ng mga tao sa kanyang kandidatura.  Maging ang mga informal surveys gaya ng Kalye surveys na ginagawa ng YouTube vloggers sa iba't-ibang bahagi ng bansa ay nagpapakitang si Marcos ang pangunahing pinipili ng mga tao.

-##-