Join the campaign (Learn More)

BONGBONG EYES FULL EXPLORATION OF RENEWABLE ENERGY SOURCES

Press Releases
22 October 2021

To enable the Philippines to keep pace with the development of the global economy and ensure sufficient but low-cost power supply, Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. considers full exploration of renewable energy resources.

Marcos pointed out that due to its geographic location and being archipelagic, the country is rich in renewable energy resources that could provide more than sufficient power supply once explored and tapped properly.

“We must explore other energy resources, like wind, solar, hydro, biomass, geothermal and ocean energy sources, gaya nung windmill farm sa Bangui, Ilocos Norte na ngayon ay nagsusupply ng 40% ng electricity needs ng probinsiya. We have to break our dependence on imported crude oil for our households and industries to enjoy low-cost and uninterrupted power supply kasi hindi lang foreign investors, kungdi pati mga negosyante natin mismo. Dapat mas mura ang kuryente at reliable para makasabay tayo sa development ng global economy,” he said.

In 2018, the top five countries with the highest power rates surveyed in Asia are Japan (P12.31 per kWh); Philippines (P8.96 per kWh); Singapore (P8.83 per kWh; Hong Kong (P6.53 per kWh); and Thailand (P6.23 per kWh) Philippines had the second-highest power costs in Asia at P8.96 per kWh.

The presidential aspirant further said that he will push for 100% household electrification because everyone must have access to electricity since it is a very essential part of the world today.

“Access to electricity is essential for improving access to health services, gaya ngayong may Covid, kailangan may kuryente to ensure safe storage of vaccines. Ang mga bahay kailangan ng kuryente para sa ilaw, sa mga appliances. Para magkaroon din ng access to information through media and communication technologies, kailangan ng kuryente,” he added.

Marcos also stressed that the ultimate solution to the rising cost of crude oil that overwhelms the government’s efforts to control the prices of basic commodities would be the full exploration of all potential renewable energy sources in the country.

"The pandemic has changed the energy landscape. Just like any country reeling from it, we should learn to adapt to this new environment. I, for one, have always been a proponent of renewable energy and I believe that it will play a crucial role not only in our recovery but in the country's future as well," he said.

###

FILIPINO VERSION

BONGBONG: RENEWABLE ENERGY SOURCES SUSI SA KAUNLARAN

PLANO ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na pagyamanin at palawakin ang paggamit sa ‘renewable energy resources’ upang masiguro na may sapat na pagkukunan ng elektrisidad sa mababang halaga na makakaagapay sa minimithing kaunlaran sa bansa. 

Ayon sa Presidential aspirant, mayaman ang bansa sa mga likas na yaman na magagamit para palawakin ang mga programa para masiguro ang kakayanan ng pamahalaan na mabigyan nang sapat na mapagkukunan ng elektrisidad ang bawat tahanan maging sa malalayong lugar sa Pilipinas.

Aniya, ang pagkakaroon ng sapat na pagkukunan ng elektrisidad ay makasisiguro para sa murang presyo ng kuryente sa bansa na makatutulong upang mas maraming mamumuhunan ang magbukas ng negosyo sa bansa na makatutulong sa pagyabong ng ekonomiya sa hinaharap.

“We must explore other energy resources, like wind, solar, hydro, biomass, geothermal and ocean energy sources, gaya nung windmill farm sa Bangui, Ilocos Norte na ngayon ay nagsusupply ng 40% ng electricity needs ng probinsiya. We have to break our dependence on imported crude oil for our households and industries to enjoy low-cost and uninterrupted power supply kasi hindi lang foreign investors, kungdi pati mga negosyante natin mismo. Dapat mas mura ang kuryente at reliable para makasabay tayo sa development ng global economy,” pahayag ni Marcos.

Sa isinagawang survey sa Asya nitong 2018, ikalawa ang Pilipinas (P8.96 per kWh) sa limang bansa na may mataas na singil ng kuryente sa likod ng Japan (P12.31 per kWh). Nakasunod ang Singapore (P8.83 per kWh; Hong Kong (P6.53 per kWh); at Thailand (P6.23 per kWh).

Iginiit ni Marcos na makakaya ng bansa na makaahon at maging kompetitibo sa global economy kung maitataguyod ang mababang singil sa kuryente. Prioridad din niya na mapailawan ang bawat tahanan sa buong bansa dahil ang pagkakaroon ng sapat na elektrisidad ay bahagi ng kaunlaran.

“Access to electricity is essential for improving access to health services, gaya ngayong may Covid, kailangan may kuryente to ensure safe storage of vaccines. Ang mga bahay kailangan ng kuryente para sa ilaw, sa mga appliances. Para magkaroon din ng access to information through media and communication technologies, kailangan ng kuryente,” sambit ni Marcos.

Naninindigan si Marcos na kung magagamit ng tama ang mga likas na yaman, hindi na magdedepende ang bansa sa pagbili ng krudo sa international na merkado na pataas nang pataas ang presyo na siyang nagpapahirap sa sambayanan.

"The pandemic has changed the energy landscape. Just like any country reeling from it, we should learn to adapt to this new environment.  I, for one, have always been a proponent of renewable energy and I believe that it will play a crucial role not only in our recovery but in the country's future as well," ayon kay Marcos.

###