BONGBONG DEPLOYS QUICK-RESPONSE TEAMS TO AID STORM VICTIMS IN NORTHERN LUZON

Press Releases
13 October 2021

Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. said on Tuesday that he has started deploying rapid-response teams to aid victims of severe tropical storm ‘Maring’ in Northern Luzon.

The former senator who hails from Ilocos Norte, has dispatched teams from Manila and nearby provinces to help facilitate the distribution of relief goods and extend assistance in areas hardest hit by the storm.

“I have given instructions to activate our quick response teams in Manila and in key areas in Northern Luzon.  Our staff and volunteers have started shoring up our relief packs. Each team that will be dispatched will bring with them relief packs that will consist of rice, slippers, vitamins and KN95 face masks as a standard kit,” Marcos said.

As of 8 a.m. today, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) said that there were already 478 families or 1,638 individuals affected by Maring’s onslaught.  The NDRRMC added that 247 families or 850 individuals are currently staying in evacuation centers in Cagayan Valley, Mimaropa and Cordillera.

The NDRRMC is also confirming reports that at least nine people died after strong winds and torrential rains battered the region as ‘Maring’ exits the Philippine Area of Responsibility (PAR). The council said that 3 persons died in a landslide incident in La Trinidad, Benguet, one in Itogon, Benguet, one drowned in Claveria, Cagayan, and another four people drowned in Palawan due to flashfloods.

PAGASA said in its 11 am weather bulletin early Tuesday that 'Maring' was 315 kilometers west of Calayan, Cagayan, with maximum sustained winds of 100 kilometers per hour (kph) near the center with gusts of 125 kph and heading westward at 20 kph.

“Sa ating mga Kailyan, inihahanda na po natin ang lahat ng ating maaaring maitulong sa inyo.   Nagpapasalamat rin po tayo sa ating mga volunteers at mga donors na nagpaabot ng tulong kahit na very short notice po.  Makakaasa po kayong maipaparating natin ito sa ating mga kababayan,” Marcos said in Pilipino.

PAGASA also added that heavy to intense rains are likely to persist over the Ilocos region, Benguet, Ifugao, Abra and the Mountain Province. The state weather bureau also warned of scattered to widespread flooding and landslides in these affected areas.

-##-

FILIPINO VERSION

BONGBONG NAGPADALA NG QUICK RESPONSE TEAMS SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA NORTHERN LUZON

Nagpadala ng mga rapid-response teams si Presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong 'Maring' sa Northern Luzon.

Ayon kay Marcos, magmumula sa Maynila at ilang piling probinsiya sa Northern Luzon ang mga teams na magdi-distribute ng mga relief goods sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo.

"Pinakilos na namin ang aming mga quick response teams sa Maynila at ilang lugar sa Northern Luzon.  Nasimulan na rin po ng aming mga staff at mga volunteers ang pagdagdag sa imbentaryo ng aming relief packs.  Ang bawat team na papunta ay magdadala ng mga relief goods na may bigas, assorted canned goods, tsinelas, vitamin c at KN95 face masks bilang standard kit," sabi ni Marcos.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 8 am kahapon, umaabot na sa 478 na pamilya o 1,638 na indibidwal ang apektado ng hagupit ng bagyong 'Maring'.  Dagdag pa ng NDRRMC may 247 na pamilya o 850 indibidwal ang ngayon ay nananatili sa mga evacuation centers sa Cagayan Valley, Mimaropa at Cordillera.

Kinukumpirma rin ng NDRRMC ang naireport sa kanila na siyam na katao na diumano ang namatay dulot ng malakas na hangin at ulan na dala ni 'Maring' habang ito ay papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).  Ayon pa sa konseho, 3 tao ang namatay sa insidente ng landslide sa La Trinidad, Benguet, isa sa Itogon, Benguet, isa ang nalunod sa Claveria, Cagayan at apat naman ang nalunod sa Palawan dahil sa flashfloods.

Ayon naman sa 11 am weather bulletin ng PAGASA nitong Martes, si 'Maring' ay nasa 315 kilometers kanluran ng Calayan, Cagayan na may maximum sustained winds na 100 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 125 kph at kumikilos na pakanluran sa bilis na 20 kph.

“Sa ating mga Kailyan, inihahanda na po natin ang lahat ng ating maaaring maitulong sa inyo.   Nagpapasalamat rin po tayo sa ating mga volunteers at mga donors na nagpaabot ng tulong kahit na very short notice po.  Makakaasa po kayong maipaparating natin ito sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Marcos.

Nagsabi rin ang PAGASA na magpapatuloy ang malakas at matinding pag ulan sa Ilocos region, Benguet, Ifugao, Abra at Mountain province.  Pinag-iingat rin ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar dahil maaaring magdulot ng mga landslides at malawakang pagbaha ang patuloy na pag-ulan. 

-##-