Join the campaign (Learn More)

Bongbong continues to be the "Best Bet" in surveys, dominates Pulso ng Pilipino polls

Press Releases
28 October 2021

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., again leads another non-commissioned survey that was released by the Issues and Advocacy Center, or The CENTER, showing that the public sees him as their preferred Presidential candidate for the 2022 national elections.

Based on the PULSO ng PILIPINO nationwide survey conducted among 2,400 respondents last September 27 to October 08, Marcos is leading the presidential race after having a nationwide tally of 23.5%.

Other candidates, Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao garnered 19.75% for the second spot, followed by Manila Mayor Isko Domagoso Moreno with 18%, Vice President Leni Robredo who posted 14%, Sen. Panfilo Lacson with 12.50%, Sen. Bato dela Rosa at 7.75%, Ka Leodegario de Guzman with 3.25% and former National Security Adviser Norberto Gonzales with 1.25%.

The CENTER considered the 23.5% rating generated by Marcos as "very significant".

While the research group sees that there is no individual or organization who can take credit for the 23.5% rating of Marcos except him alone, the Presidential aspirant believes that it is because of the support of his Party and group supporters that he remains at the top of surveys.

Last week, Bongbong in the 3rd Quarter survey released by PUBLiCUS Asia Inc., has emerged as the number one Presidential candidate confirming the growing grassroots support for his candidacy and proving that the Kalye Surveys conducted by independent YouTube vloggers in various parts of the country consistently showed him as the top choice of the people.

"Nagpapasalamat ako sa lahat na nagsabing sila ay boboto sa akin. Maraming salamat at sana pagdating ng araw ng botohan ay nandoon tayo para marinig ang boses natin," Marcos said.

-30- 

FILIPINO Version

BBM patuloy ang pagiging "Best Bet Mo" sa latest presidential survey

PATULOY ang pamamayagpag ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., bilang ‘BEST BET MO’ sa Pagkapanguluhan sa isinasagawang non-commissioned survey sa halalan 2022 sa Mayo.

Sa pinakabagong resulta sa isinagawang survey ng Issues and Advocacy Center o The CENTER, nakakuha ng malaking bilang ng pangsang-ayon at pipiliin ng mga botante bilang Pangulo sa gaganaping halalan sa susunod na taon ang dating Senador.

Sa kabuuang 2,400 respondents na pinulsuhan sa isinagawang survey mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 9, nangunguna si Marcos sa pagka-Panguluhan sa nakuhang 23.5%, habang pumangalawa si Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na may 19.75% kasunod sina Manila Mayor Isko Domagoso Moreno na may 18%; Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 14%; Sen. Panfilo Lacson na may 12.50%; Sen. Bato dela Rosa sa 7.75%; Ka Leodegario de Guzman (3.25%) at dating National Security Adviser Norberto Gonzales sa 1.25%.

Itinuturing na ‘very significant’ ng The CENTER ang mataas na markang 23.5% rating na nakuha ni Marcos.

Taliwas sa naipahayag ng naturang research group na walang organisasyon o indibidwal kundi tanging ang aksyon ng dating Senador ang dapat bigyang kredito sa nakuhang 23.5% rating, tahasang ibinida ni Marcos na ang patuloy na magandang resultang nakukuha niya sa survey ay bunga ng determinadong pagsuporta ng Partido at iba pang samahan at grupo na naninindigan at naniniwala sa kanyang isinusulong na pagkakaroon ng mapagkaisang lider o unifying leadership.

Kamakailan, inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc, ang resulta ng kanilang 3rd Quarter survey kung saan nangunguna si Marcos sa Presidential candidates, sapat para makumpirma ang katotohanan sa isinagawang Kalye Survey ng ilang YouTube Vloggers kung saan nakita ang pagtaas ng suporta kay Marcos sa grassroots level, kabilang ang tinatawag na mga marginalized.

"Nagpapasalamat ako sa lahat na nagsabing sila ay boboto sa akin. Maraming salamat at sana pagdating ng araw ng botohan ay nandoon tayo para marinig ang boses natin," pahayag ni Marcos.

-30-