Join the campaign (Learn More)

Bombo Radyo Philippines : Rep. Paolo Duterte suportado ang Marcos-Sara tandem

News & Interviews
4 December 2021

By Bombo Radyo Davao | Bombo Radyo Philippines

DAVAO CITY – Nagpahayag ng kanyang suporta si Presidential son at Davao City First District Representative Paolo Duterte sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor at Vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio at sa ka-tandem nitong si dating Senator at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nang tinanong si Pulong kung sino ang susuportahan nito, hindi na ito nagdalawang isip at sinabing makakaasa ng suporta si Marcos at Mayor Sara mula sa kanya.

Nagbiro pa itong handa siyang maging body guard ni Mayor Inday bilang pagsuporta sa kandidatura nito.

Kung maalala, sumama pa ang Davao City 1st district representative sa dating senador at Mayor Inday ng magsagawa ang mga ito ng Caravan sa Batangas.