Bombo Radyo Philippines : Ex-Comelec Chairman Bautista, pinananagot ng CA sa voter’s data breach noong 2016

News & Interviews
20 May 2021

By Bombo Dennis Jamito | Bombo Radyo Philippines

Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang findings ng National Privacy Commission (NPC) na nagkaroon ng kapabayaan si dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista, matapos ang data breach noong 2016 mula sa voter’s record.

Ayon sa report ng Manila Times, nalabag umano ang Republic Act 10173 o “Data Privacy Act of 2012” nang kumalat sa publiko ang milyon-milyong personal na impormasyon ng mga botante.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan ng komisyon sa Department of Justice (DoJ) ang posibleng paglabag din ni Bautista sa mga probisyon ng cybercrime law.

Pero mula sa mga lumutang na pangalan mula sa Comelec, tanging ang dating chairman ang nakitaan ng malaking pananagutan.

Dahil dito, maaabswelto sa kaso sina dating Comelec commissioners Christian Robert Lim at Al Parreno; executive director Jose Tolentino Jr.; director James Arthur Jimenez; Ferdinand de Leon; Jeannie Flororita at Eden Bolo.

Batay sa 22 pahina ng desisyon mula sa CA Second Division, dismiss na ang hirit ni Bautista na magkaroon ng review sa kaso.