Join the campaign (Learn More)

Bombo Radyo Philippines : COMELEC ibinasura ang isang petisyon laban kay ex Sen. Bongbong Marcos

News & Interviews
5 January 2022

By Bombo Jovino Galang | Bombo Radyo Philippines

Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang petisyon laban sa kumakandidato sa pagkapangulo na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kinumpirma ni COMELEC spokesman James Jimenez na kanilang ibinasura noon pang Disyembre 2021 ang petisyon na inihain ng independent presidential aspirant na si Tiburcio Marcos.

Nakasaad kasi sa petisyon nito ang pag-kuwestiyon sa tunay na pagkatao ng dating senador kung saan sinasabi nito na ang tunay na Marcos Jr. ay pumanaw na noon pang 1975.

Magugunitang unang ibinasura na rin ng COMELEC ang petisyon ng tumatakbo rin sa pagkapangulo na si Danilo Lihaylihay na nagpapakansela sa certificate of candidacy ni Marcos Jr.