Join the campaign (Learn More)

Bombo Radyo : Dating Sen. Marcos, ‘best presidential bet’ sa Mindanao – kalye survey

News & Interviews
2 November 2021

By Bombo Jerald Ulep | Bombo Radyo

Muling pinatunayan ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos ang dami ng kanyang mga tagasuporta sa Mindanao sa pinakabagong resulta ng kalye surveys sa Mindanao region.

Sa isinagawang kalye surveys sa Butuan City, Gingoog, Misamis Oriental at Surigao City, nakakuha si Marcos ng mataas na puntos ng pagsang-ayon mula sa working class bilang ibobotong pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Nilibot ng mga vloggers ang mga lansangan at matataong lugar gaya ng palengke, bus terminal at pasyalan kung saan ipinakita ang mga larawan ng mga kandidato sa pagka-Pangulo at tinanong ang mga tao kung sino ang pipiliin nila para ibotong susunod na Pangulo ng bansa.

“Pinaka-da Best sa pagka-presidente ng ating nasyon si Bongbong. Kwalipikado,” pahayag ng isang natanong mga kawani ng gobyerno.

“Lahat kami dito, Bongbong. Wala ng iba, Bongbong lang,” sagot naman ng isang security guard na nakatalaga sa ilang pamilihan.

“May klarong programa, di lang para sa bayan niya kundi sa buong Pilipinas. May political will. Siya ang pinaka-qualified, hindi lang pansariling interes ang iniisip niya,” pahayag ng isang tricycle driver mula sa Gingoog.

Natatanging misyon ni Marcos ang magkaroon ng mapagkaisang lider ang bansa upang gabayan ang pagbangon ng bansa mula sa kasalukuyang suliranin hanggang sa post-Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinakailangan ang pagtutulungan ng bawat isa kasama ang isang lider na may malasakit at kaalaman para sa pagbuo ng programa na magiging solusyon sa hinaing ng bawat Pilipino.

Ang resulta ng kalye survey ay nagpapatibay at pagpapatunay sa resulta ng isinagawang Presidential Preference Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. kamakailan kung saan nakakuha si Marcos ng mataas na 62.5 porsiyento ng boto mula sa respondents sa Mindanao.