BICOLANOS’ SHOW OF SUPPORT FOR THE UNITEAM OVERWHELMS BBM

5 March 2022

PARTIDO Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on Friday expressed his profound gratitude for the warm welcome and strong commitment of support given by the residents of Sorsogon.

Marcos was visibly elated as he thanked the multitude who flocked to the Sorsogon City Capitol compound garbed in red and green to show their support for the UniTeam.

“Napakataas ng araw at napakainit ng panahon pero ‘yung salubong pala na ibibigay niyo sa akin ay mas mainit pa. Alam ko po na marami sa inyo ang maaga pa kaninang nandito. Nagtiyagang nakatayo sa ilalim ng araw, pero hindi na po bale, basta tayo ay nagkita at nagsama para tayo’y magkaisa sa ilalim ng UniTeam … Nagpapasalamat kaming lahat ng UniTeam,” he said.

The presidential candidate was humbled by the show of support from the province, which is said to be among the bailiwicks of his closest opponent.

”Buhay na buhay ang Pasko dito sa Sorsogon, madaming bandera at T-shirt at iba't ibang kulay pula at kulay green ang iwinawagayway. Nakakatuwang makita ang init ng salubong na inyong binigay. Maraming-maraming salamat po. Sabi ko kanina hindi natin balwarte ang Sorsogon kaya tingnan natin kung ano ang magiging audience. Nung narinig ko ang mga sigaw ninyo, tuwang-tuwa ako,” he said.

The huge crowd kept chanting “BBM” as they waved red and green flags.

People wearing red or green started arriving as early as 6 a.m., hours before the rally which was scheduled at 2 p.m.

A tricycle driver who was plying the road in front of the capitol said the crowd was bigger than the crowd during the rally of another presidential candidate the day before and even larger than the crowd that attended Vice President Leni Robredo’s rally that was held earlier.

A woman supporter was apologetic because she was not wearing red but explained that she was at the capitol to attend to some business when she heard that Marcos was due to arrive at the plaza outside so she quickly finished her task and hurried outside.

“Hindi nga ako naka-red kasi hindi ko alam na pupunta si BBM dito. Narinig ko lang habang nasa capitol ako kaya minadali ko na ‘yung inaayos ko para maabutan ko. Gustong-gusto ko siyang makita. Pinagdarasal ko lang na sana makaabot pa kami sa huling biyahe mamaya kasi sa bundok pa kami nakatira,” she said. ###

FILIPINO VERSION

BBM LABIS ANG TUWA SA MAINIT NA PAGTANGGAP SA UNITEAM NG MGA BICOLANO

LABIS-LABIS ang pasasalamat at paghanga ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga Bicolano sa mainit nilang pagsalubong sa pagbisita ng BBM-Sara UniTeam sa Sorsogon noong Biyernes.

Ang buong Sorsogon City Capitol compound ay nagkulay pula at berde nang dumagsa ang libu-libong supporters ng UniTeam.

“Napakataas ng araw at napakainit ng panahon pero ‘yung salubong pala na ibibigay n’yo sa akin ay mas mainit pa. Alam ko po na marami sa inyo ang maaga pa kaninang nandito. Nagtiyagang nakatayo sa ilalim ng araw, pero hindi na po bale, basta tayo ay nagkita at nagsama para tayo’y magkaisa sa ilalim ng UniTeam … Nagpapasalamat kaming lahat ng UniTeam,” ang running-mate ni Inday Sara Duterte.

Buong pagpakumbaba ang ipinaabot na pasasalamat ni Marcos dahil sa kabila ng sinasabing balwarte ng katunggali niya ang Bicol province, ramdam nito ang init na pagmamahal ng mga kababayan sa Bicolandia.

”Buhay na buhay ang Pasko dito sa Sorsogon, madaming bandera at T-shirt at iba’t ibang kulay pula at kulay green ang iwinawagayway. Nakatutuwang makita ang init ng salubong na inyong binigay. Maraming-maraming salamat po. Sabi ko kanina hindi natin balwarte ang Sorsogon kaya tingnan natin kung ano ang magiging audience. Nung narinig ko ang mga sigaw ninyo, tuwang-tuwa ako,” sabi pa niya.

Ang napakalaking bilang ng mga supporters na dumagsa sa Kapitolyo ay hindi rin magkamayaw sa pagsisigaw ng “BBM, BBM, BBM” kasabay ng pagwagayway sa banderang pula at berde na simbolo ng UniTeam.

Karamihan sa mga ito ay pumila na ng alas-6 ng umaga kahit batid nilang alas-2 pa ng tanghali darating sa Kapitolyo si Marcos.

Sinabi ng isang  tricycle driver na kung ikukumpara ang nagdaang ‘campaign rally’ ng isang presidential candidate, hamak na mas marami ang dumagsa para tunghayan at magpakita ng suporta kay Marcos.

Kahit sa nakalipas na rally ni Leni Robredo ay mas higit na marami pa ang nagpakita at nagtungo sa Sorsogon rally ni Marcos.

Isang ginang ang humingi pa ng paumanhin dahil hindi ito nakapagsuot ng damit na kulay pula. Ipinaliwanag nitong papunta sana siya sa Kapitolyo para mag-asikaso ng ilang dokumento, ngunit nang malaman na darating ang iniidolong si Marcos, mabilisan nitong tinapos ang mga dapat gawin upang makapila sa napakagandang Plaza ng Kapitolyo ng probinsiya.

“Hindi nga ako naka-red kasi hindi ko alam na pupunta si BBM dito. Narinig ko lang habang nasa capitol ako kaya minadali ko na ‘yung inaayos ko para maabutan ko. Gustong-gusto ko siyang makita. Pinagdarasal ko lang na sana makaabot pa kami sa huling biyahe mamaya kasi sa bundok pa kami nakatira,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na kung hindi magbabago ang resulta ng mga survey, natitiyak na ang pagkapanalo ng kanyang ninong na si BBM.

Si Marcos ay ninong sa kasal sa naunang asawa na si Christine Elizabeth Flores. “Pero dahil hiwalay na kami ng aking ex-wife, ex-Ninong ko na rin si Bonget (palayaw ni Marcos),” pagbibiro ni Escudero na maligaya ngayon sa piling ng ikalawang asawa na si Heart Evangelista.

###