BBM welcomes Australia’s lifting of anti-dumping measures; says it’s good for PH farmers

Press Releases
11 October 2021

Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. said that the decision of the Australian government to lift its anti-dumping measures on Philippine canned pineapples is a good development for Filipino farmers as they can finally export their products to the country after 15 years.

Marcos said such development will not only strengthen the country's pineapple sector but also the trade relations between the Philippines and Australia.

The presidential aspirant said this would be beneficial to farmers, especially those in Northern Mindanao, the region being the leading pineapple producer in the country.

Data from the Philippine Statistics Authority (PSA) showed that Northern Mindanao produced 362.00 thousand metric tons of pineapples, which contributed 48.6 percent of the total production for the second quarter of 2021. It was followed by SOCCSKARGEN with 187.71 thousand metric tons or 25.2-percent share.

Marcos said since the Philippines is the second-largest producer of pineapples worldwide, the increase in demand will surely result in an increase in earnings for local farmers.

PSA said in its annual report that pineapple was the most lucrative agricultural commodity in 2020, after recording a 526-percent return on investment (ROI) which is the highest among the 27 local farm and fish products in the country.

Last year, farmers earned a gross revenue of P782,978 from their investment of P124,881 per hectare.

On October 6, Australia’s Anti-Dumping Commission (ADC) decided to discontinue the said measure on canned pineapples from the Philippines, following findings that its expiration will neither lead to the dumping of the products concerned nor cause material injury to the domestic industry.

The anti-dumping measure was first imposed in 2006 for a period of five years after the sole producer of canned pineapples in Australia,  Golden Circle Limited, requested its government for the imposition of the said measure on canned pineapples imported from the Philippines.

The measure was extended for another five years in 2011, and subsequently for another five years in 2016. An expiry review last January 25 was created after Golden Circle sought the extension of the imposition of the anti-dumping measure for another five years.

-##-

FILIPINO VERSION

PAGBAWI NG AUSTRALIA SA ANTI-DUMPING MEASURES, MAKAKATULONG SA MGA MAGSASAKA – BBM

Iginiit ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na makakabuti sa mga magsasakang Pilipino ang pagbawi ng pamahalaan ng Australia sa anti-dumping measures laban sa mga pinyang de lata na galing sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos, maaari na nila ngayong i-export ang kanilang mga produkto sa Australia pagkatapos ng 15 taon.

Aniya, lalakas din ang trade relations sa pagitan ng Pilipinas at Australia, bukod pa sa local pineapple sector, dahil sa naturang pagtanggal ng anti-dumping measures.

Ayon pa sa presidential aspirant, mas higit na makikinabang dito ang mga pineapple farmers sa Northern Mindanao dahil pinya ang pangunahing produkto doon.

Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, sa second quarter ng 2021, nakapag-ani ang Northern Mindanao ng 362,000 metric tons ng pinya. Ang 48.6 porsyento na kontribusyon ng Northern Mindanao sa total production ng pinya ay mas mataas kesa sa 187.71 thousand metric tons, o 25.2 percent, na galing sa SOCCSKARGEN.

Iginiit din ni Marcos na dahil ang Pilipinas ang second-largest producer ng pinya sa buong mundo, madadagdagan ang kita ng mga local farmers kung madadagdagan ang demand sa pinya.

Ayon sa PSA, ang pinya ang pinaka-lucrative sa 27 na local farm and fish products sa bansa noong 2020 matapos na makatala ng 526-percent return on investment (ROI) dito. Ang mga magtatanim ng pinya ay kumita ng P782,978 gross revenue per hectare na investment mula sa kanilang P124,881.

Noong Oktubre 6, nagdesisyon ang Anti-Dumping Commission (ADC) ng Australia na hintuan na ang pagpapatupad ng nasabing pagbabawal ng mga canned pineapples mula sa Pilipinas matapos mapatunayan na hindi naman magdudulot ng dumping ng nasabing produkto kapag tinanggal ito at hindi rin makakapagdulot ng material injury sa kanilang domestic industry.

Unang ipinatupad ang anti-dumping measure noong 2006 matapos itong hilingin sa kanilang gobyerno ng Golden Circle Limited, nag-iisang producer ng canned pineapples sa Australia.

Limang taon itong unang ipinatupad at ine-extend ng tig-lima pang taon noong 2011 at 2016. Dahil sa hiling ulit ng Golden Circle ng isa pang extension, nagsagawa ng review nito at ang resulta nito ang nagging basehan para tanggalin na ang anti-dumping measure sa halip na muling bigyan ng extension.

-##-