BBM vows UniTeam will champion LGUs’ cause

21 March 2022

PRESIDENTIAL frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on Thursday assured that local government units (LGUs) will have a strong voice in their administration after he wins in the scheduled May 9 national elections.

Speaking before mayors, vice mayors and councilors of Zambales, Marcos said he and his running-mate Mayor Inday Sara Duterte will be the champions of LGUs because the UniTeam strongly believes and trusts local leaders.

“Aasahan ninyo na meron kayong boses sa administrasyon ng UniTeam, magkakaroon ng malakas na boses ang ating local government. Ang UniTeam ang pinaka-magiging champion ng local government kung sakali man at tayo ay maging mapalad (sa darating na halalan),” he said.

He added that having served as local executives themselves, he and Inday Sara both believe that local leaders are the authority when it comes to knowing the real situation in their jurisdictions, and hence could be relied on to come up with solutions for problems in their areas.

“Magkakaroon po kayo ng malakas na boses. Dahil kayong mga local chief executives ang nakaka-alam sa tunay na sitwasyon doon sa lugar ninyo,” he pointed out.

“Kaya gaya ng sinasabi ko, dapat ipagpantay natin ang relasyon ng local government at national government. Lagi kong sinasabi sa mga congressman, sa mga senador, makinig kayo sa mga local government officials dahil kadalasan sila rin ang nakakaalam ng tamang solusyon sa mga suliranin sa kanilang nasasakupang mga lugar,” Marcos continued.

He then committed to providing a balance to the relationship between the national government and the local government units.

Marcos noted that it was the best way to prevent situations where the national leadership  gives orders to the local leaders on how to address problems in their jurisdictions without having a full understanding of the situation first.

“’Pag nagkataon, sa susunod na pamahalaan, sa susunod na administrasyon at tayo po ay maging mapalad ay ‘yun ang aming balak, na masasabi naming pinagpantay namin ang relationship between the national government and the local government dahil malaking-malaki ang tiwala ng grupong UniTeam sa local leaders,” he explained.

“Hindi manggagaling sa taas ang utos ng hindi namin nalalaman kung ano ang tunay na sitwasyon. Kailangang magtanong sa local government dahil kayo ang nakakaalam sa sitwasyon sa lugar niyo,” he added.

He pointed out that it has already been demonstrated during crises, such as the Covid19 pandemic, that while the national government may have a sound program to address a problem, it only succeeds because local governments implement efficiently the program at the grassroots.

He also assured that they will see to it that the implementation of the Mandanas Ruling, which will inject more funds to LGUs, will be done properly so that LGUs will not end up at the losing end instead of benefiting from the said ruling.

“At ang hinaing at pangamba ng iba na dahil sa marami masyadong ide-devolve na function e lugi pa, kahit na madagdagan ang pondo e baka malugi pa ‘yung local government. Hindi natin pababayaang mangyari ‘yun,” he said.

“Kaya’t tinitingnan nating mabuti ang magiging implementasyon nitong Mandanas Ruling para ito ay magbibigay ng pagkakataon sa inyong lahat na ‘yung inyong mga iniisip na nais gawin para sa inyong mga community, sa inyong mga distrito, sa inyong mga bayan ay maaari na ninyong gawin dahil magkakaroon ng pondo,” Marcos added.

- 30 -

FILIPINO VERSION

LGUs may boses, bida sa UniTeam administration

SINISIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may malaking papel na gagampanan at mapapakinggan ang boses ng mga lokal na pamahalaan matapos silang manalo sa darating na halalan ngayong Mayo 9.

Ito ang sinabi ni Marcos sa harap ng mga local officials ng Zambales sa kanyang pagbisita sa lalawigan.

Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sila ng kanyang running-mate na si Inday Sara ang magsusulong at magtatanggol  sa interes ng mga LGUs dahil sila ay naniniwala at nagtitiwala sa mga lokal na lider.

“Aasahan ninyo na meron kayong boses sa administrasyon ng UniTeam, magkakaroon ng malakas na boses ang ating local government. Ang UniTeam ang pinaka-magiging champion ng local government kung sakali man at tayo ay maging mapalad (sa darating na halalan),” sabi ni Marcos.

Dagdag pa niya, sila ni Inday Sara ay naniniwala na ang lokal na pamahalaan ang higit na nakakaalam ng mga tunay na nangyayari sa kanilang mga nasasakupan at ang makakapagbigay ng tamang solusyon dahil na rin sa kanilang mga sariling karanasan bilang mga local executive.

“Magkakaroon po kayo ng malakas na boses. Dahil kayong mga local chief executives ang nakaka-alam sa tunay na sitwasyon doon sa lugar ninyo,” sabi ni Marcos.

“Kaya gaya ng sinasabi ko, dapat ipagpantay natin ang relasyon ng local government at national government. Lagi kong sinasabi sa mga congressman, sa mga senador, makinig kayo sa mga local government officials dahil kadalasan sila rin ang nakakaalam ng tamang solusyon sa mga suliranin sa kanilang nasasakupang mga lugar,” wika pa nito.

Sinisiguro din ni Marcos na magkakaroon ng balanseng ugnayan sa pagitan ng national government at local government.

“’Pag nagkataon, sa susunod na pamahalaan, sa susunod na administrasyon at tayo po ay maging mapalad ay ‘yun ang aming balak, na masasabi naming pinagpantay namin ang relationship between the national government and the local government dahil malaking-malaki ang tiwala ng grupong UniTeam sa local leaders,” paliwanag niya.

“Hindi manggagaling sa taas ang utos ng hindi namin nalalaman kung ano ang tunay na sitwasyon. Kailangang magtanong sa local government dahil kayo ang nakakaalam sa sitwasyon sa lugar niyo,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin din ni Marcos ang mga nagawa ng lokal na pamahalaan lalo na ng nagsimula ang pandemiya sa bansa. Aniya, hindi maisasakatuparan ang mga plano at programa ng national government kung hindi dahil sa lokal na pamahalaan.

Tinitiyak niyang ma-iimplementa ng tama ang Mandanas Ruling kung saan magkakaroon sila ng karagdagang pondo at masisigurong sila ang makikinabang dito.

“At ang hinaing at pangamba ng iba na dahil sa marami masyadong ide-devolve na function e lugi pa, kahit na madagdagan ang pondo e baka malugi pa ‘yung local government. Hindi natin pababayaang mangyari ‘yun,” sabi ni Marcos.

“Kaya’t tinitingnan nating mabuti ang magiging implementasyon nitong Mandanas Ruling para ito ay magbibigay ng pagkakataon sa inyong lahat na ‘yung inyong mga iniisip na nais gawin para sa inyong mga community, sa inyong mga distrito, sa inyong mga bayan ay maaari na ninyong gawin dahil magkakaroon ng pondo,” dagdag pa niya.

- 30 -