Join the campaign (Learn More)

BBM: UNITY IS THE GREATEST GIFT THIS CHRISTMAS

Press Releases
5 December 2021

PRESIDENTIAL aspirant Ferdinand “Bongbong”Marcos, Jr. said seeing the country unite behind the common cause of uplifting the nation is the greatest gift Filipinos will receive this Christmas.

In a statement, Marcos Jr. said his latest travel to Cebu with his running mate Vice Presidential bet Mayor Inday Sara Duterte where they were greeted by thousands of adoring supporters gives him hope that the unity being shown by the people will usher the country to a brighter future.

“Talagang masayang-masaya ang pakiramdam namin dahil bukod sa napakasayang mga pagtanggap eh pag pinagsama ninyo ang kulay naming pula at berde, Merry Christmas na nga talaga,” the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer said.

Marcos said his latest visit to Cebu, the first after the BBM-Sara UniTeam was officially forged, has been fruitful because they were given the opportunity to meet and address the members and officials of the League of Municipalities during their Regional Planning Conference in Region 7 who in return expressed their unwavering support for the formidable tandem.

“In behalf of all the 44 mayors of the Province of Cebu, we hereby express our unequivocal support for your candidacy in the coming elections,” the mayors declared.

“Sa tinagal-tagal ko na naging gobernador, kahit napunta na ako sa Senado o Kongreso dala-dala ko pa rin ‘yung aking natutunan bilang chief executive ng Ilocos Norte. Si Mayor Inday Sara naman eh matagal na ding nagsisilbi sa LGU kaya’t alam na alam niya ang mga patakbo dyan,” Marcos Jr. said as he acknowledged the support by the local executives.                                     

He said the various ‘unity rides’ in several parts of the country, particularly the “Salubong” or merging of north and south on the San Juanico Bridge last November 30, symbolizes the unity of Luzon, Visayas and Mindanao that is being pushed by the unifying leadership of the BBM-Sara UniTeam in an effort to usher the country to national unity, peace and progress.                                                                                                                                                                            

“Itong mga byaheng ito ay sumisimbolo ng ating pagkakaisa bilang isang bansa, ang pagsasanib pwersa ng North at ang South. Hindi lang mga isla ang pingabubuklod-buklod ng UniTeam kundi ang buong sambayanan,” Marcos Jr. said, adding that the historic joining of forces of BBM-Sara UniTeam supporters signal the country’s triumph over the challenges brought about by the Covid-19 pandemic.                                                                                                                                                                             

“Only together as a unified nation shall Filipinos be victorious during and after the pandemic. Ito na siguro ang pinakamagandang pamasko na maiisip ko para sa ating lahat, ang makitang unti-unting nagbubuklod, nagkakaisa ang ating bansa. Tuloy-tuloy ang pagkakaisa dahil ito ang pinakamagandang pamasko natin sa ating lahat,” he said

###

FILIPINO VERSION

BBM: PAGKAKAISA, PINAKAMAGANDANG AGINALDO NGAYONG PASKO

SINABI ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.

Ani Marcos, ang pinakahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters ang nagbigay pag-asa na may naghihintay na magandang kinabukasan para sa bansa.

“Talagang masayang-masaya ang pakiramdam namin dahil bukod sa napakasayang mga pagtanggap eh ‘pag pinagsama ninyo ang kulay naming pula at berde, Merry Christmas na nga talaga,” pahayag ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer.

Naging makulay at makabuluhan aniya ang kanilang Cebu visit dahil bukod sa probinsiyang ito pinagtibay ang BBM-Sara UniTeam, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasalamuha ang mga pinagpipitagang mga miyembro at opisyales ng League of Municipalities. Naganap ito sa Regional Planning Conference ng mga alkalde sa Region 7 na pawang nagbigay suporta rin sa tambalang BBM-Sara.

“In behalf of all the 44 mayors of the Province of Cebu, we hereby express our unequivocal support for your candidacy in the coming elections,” anang mga alkalde.

“Sa tinagal-tagal ko na naging gobernador, kahit napunta na ako sa Senado o Kongreso dala-dala ko pa rin ‘yung aking natutunan bilang chief executive ng Ilocos Norte. Si Mayor Inday Sara naman eh matagal na ring nagsisilbi sa LGU kaya’t alam na alam niya ang mga patakbo dyan,” sabi pa ni Marcos Jr.

Ang mga nagaganap na ‘unity rides’ sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin ang makasaysayang “Salubong” ng mga taga-norte at timog sa San Juanico Bridge nong November 30, ay nagpapakita ng pagkakaisa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ito ang pangunahing layunin ng BBM-Sara UniTeam upang makamit ang pambansang pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad ng bayan.    

“Itong mga byaheng ito ay sumisimbolo ng ating pagkakaisa bilang isang bansa, ang pagsasanib pwersa ng North at ng South. Hindi lang mga isla ang pingabubuklod-buklod ng UniTeam kundi ang buong sambayanan,” ani Marcos kasabay ng pagbibigay-diin na pagpapakita rin ito na malalagpasan ng bansa ang anumang pagsubok na dinaranas ngayon sanhi ng Covid-19.

“Only together as a unified nation shall Filipinos be victorious during and after the pandemic. Ito na siguro ang pinakamagandang pamasko na maiisip ko para sa ating lahat, ang makitang unti-unting nagbubuklod, nagkakaisa ang ating mga mamamayan. Tuloy-tuloy ang pagkakaisa dahil ito ang pinakamagandang pamasko natin sa ating lahat,” dagdag pa ni Marcos.

###