BBM to voters: Guard your vote, be vigilant

7 May 2022

JUST two days before the May 9 presidential elections, frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. has called on voters to be vigilant and guard against reported threats of large-scale fraud that could discredit the results of the upcoming political exercise.

Marcos is number 7 in the official Comelec ballot.

The standard-bearer of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP), stressed that voters, not just candidates and the Commission on Elections (Comelec), should be on guard and thwart such threats to protect the sanctity of the ballots.

“We just have to be vigilant, we have to pay attention. Make sure na nakabantay tayong mabuti. Guard your vote, whoever you are voting for,” he said in a recent sidelines interview.

Marcos made the statement as President Rodrigo Duterte issued a call to make the May 9 national elections honest and orderly, vowing to uphold the law and not allow terrorism or any illegal activity disrupt the upcoming polls.

BBM and running mate Mayor Inday Sara Duterte are carrying the UniTeam banner.

He also disclosed that they are concerned, not only with reported attempts by some groups in Mindanao to subvert the results of the polls, but practically the whole country with regards to possible large-scale election fraud, “since such operation is not done on the ground but in some secret places”.

Marcos added that in addition to campaigning, his camp is also focusing on vote protection in these last days of the campaign.

“Marami na tayong natutunan since 2016. We spent the last six years studying the problem. We learned many, many things. We know much better now what the system is and ano ‘yung mga weakness,” he said.

Marcos, who ran for vice president in 2016, said it was thanks to the lessons they learned in that election that they were immediately alerted by the reported data breach involving poll software provider Smartmatic’s online infrastructure.

“Kaya nung nagkaroon ng security breach sa Smartmatic e nakita kaagad. I'm worried about the security breach because of the changing statements. These are the things na tinututukan namin to make sure na hindi na maulit o mabawasan ang possibility ng malakihang pandaraya,” he said.

Previously, the Comelec conducted a walk-through of the transparency media center at the University of Santo Tomas (UST), attended by members of the media and other election stakeholders for the May 9 local and national polls.

During the walk-through, the Comelec assured the public that the transparency server has been tested and that the unfortunate seven-hour delay in the transmittal of election results in 2019 would not happen again.

The poll body explained that part of the long transmission delay in 2019 was the policy that a resolution from Comelec en banc was required to fix the server glitch.

But it could have been done by simply rebooting the server.

Thus, the poll body has issued a resolution that the simple rebooting task could be done by the head of the technology transmission group, provided the source code would not be touched.

Like in the past, the Comelec said there will be a 15-minute interval in the transmission of the results to the media server, but the transmission of poll results from the vote-counting machines (VCMs) to the transparency server is real-time.

The poll body has also assured of an uninterrupted power source at Comelec IFO Pier data center as it has a backup facility that will take care of any potential power supply glitch.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM camp: Bantayan Boto ng Mamamayan sa Mayo 9

NANAWAGAN ang kampo ni leading presidential candidate dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa mahigit 65 milyong botanteng Pilipino na lumabas at bumoto sa darating darating na Lunes (Mayo 9).

Ang panawagan ay ipinalabas ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos, kasabay ng pagpapasalamat sa milyon-milyong supporters ni Marcos na mainit at nagpakita ng suporta sa iba’t ibang campaign activities ng kanilang kampo.

“Unang-una nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan sa inyong pagsuporta sa tambalang UniTeam ni Bongbong Marcos at Sara Duterte at kami ay nanawagan sa lahat na ‘yung duty po natin bilang mamamayang Pilipino sa Mayo 9 ay gampanan po natin,” ani Rodriguez sa panayam ni veteran broadcaster Anthony Taberna sa kanyang YouTube channel na “Tune in Kay Ka Tunying!” 

“Tayo po ay bumoto at ‘yung mga napili po natin kung sinuman pong napili ninyo, basta exercise your right to vote.  Go out early and vote early on May 9 and make sure, please na sama-sama po tayong magbantay nang sa ganon, let the true will and mandate of the Filipino people prevail. Hindi po yung kung kaninong mandato lamang,” sabi pa niya.

Nitong nagdaang Martes, naging matagumpay ang ginawang miting de avance sa Visayas ng BBM-Sara UniTeam sa Guimbal, Iloilo na dinagsa ng napakaraming mga tao.

Tagumpay din ang miting-de-avance ng tambalan sa Tagum, Davao del Norte at buong UniTeam senatorial slate sa Mindanao, at ngayong araw naman ang pinakahuling miting-de-avance ng UniTeam sa tapat ng Solaire Hotel sa Pasay City.

“Iniimbitahan po namin kayo. Ito po ay tribute ni Bongbong Marcos at Sara Duterte sa inyo bilang pasasalamat for standing by us in this rigorous 90-day campaign.

Magtatapos na po tayo ng kampanya subalit labis-labis ang pasasalamat ni Bongbong Marcos sa lahat ng sumusuporta sa kanya,” dagdag pa niya.

Tulad ng naunang sinabi ni Rodriguez, ang kampo ni Marcos ay nagtitiwala na magiging positibo ang resulta ng halalan, ngunit hindi pa rin sila nagpapakampante hanggang hindi tuluyang natatapos ang eleksiyon.

“Yun ang isang bagay na natutunan niya sa kanyang ama (dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.)  Always run scared and it’s not over until it’s over. And, even yung lagi kong sinasabi sa mga iba’t ibang interview, yung naggagandahan (numero),” sabi niya.

“Iyong mga gorgeous figures that are coming out, survey after survey. Lagi nya lang binibilin dyan, Ka Tunying, enjoy it but only for one minute, for one-minute balik ulit tayo sa trabaho, kayod tayo,” dagdag pa ni Rodriguez.

“Ang tunay at mahalagang survey ay sa darating na May 9, 2022 sa araw ng halalan,” pagbibigay-diin pa niya.

Inamin ni Rodriguez na kahit sila ay hindi makapaniwala sa hindi matawarang init na pagtanggap at pagsuportang ibinigay ng mga kababayang Pinoy kay Marcos.

“Kakaiba talaga. We thought we saw everything noong 2016, noong kampanya ni PRRD na talagang naglabasan ang tao, very pronounced ang suporta. Subalit kami ay nagulat ito nagsimula last year eh when we first go around, mga July nakita na namin bumalik na kami ng Agosto sa Batangas, talagang grabe yung response,” paliwanag niya.

“Pati sa Tacloban noong dumalo lang kami sa Yolanda Memorial subalit sabi nga namin eh baka naman kasi reception ‘yan ng hometown kaya ganyan kalakas yung suporta ng tao. Subalit nung kami ay tumungo sa Batangas dalawang beses kami nagpunta sa Batangas, ganoon na yun,” pagpapatuloy niya.

“From Lipa City to Batangas City yung papuntang kapitolyo, I thought, usually, it takes you 30 minutes lamang pero nung kami na ang nandoon, wala man kaming dalang security naka-coaster lang kami, it took us three hours and a half dahil spontaneous combustion wika nga, “ kuwento ni Rodriguez.

“Naglabasan ‘yung mga tao na walang announcement. Wala kaming inaya na caravan, ‘yung mga naka motor. Talagang it took us three and a half hours at doon na namin nasabi, kakaiba ito. Something must be happening at nagpapatuloy hanggang sa ngayon,” sabi pa niya. 

Idinagdag pa nito na: “Of course, kinakailangan kasi masubukan ang isang mamamayan para ma-validate nila yung aking kwento pero kikilabutan ka dahil rally after rally after rally talagang dinudumog siya ng tao”.

Masaya rin aniya siya dahil totoong napakasipag ni BBM at kahit halos wala ng pahinga ay patuloy siya sa mga rally para personal na makasalamuha ang mga tao.

Nagpapasalamat din siya na ngayong matatapos na ang kampanyahan ay nananatiling malakas at malusog si BBM dahil na rin sa mainit na suporta ng milyon-milyong Pilipino.

“Sa awa ng Diyos, matatapos namin ang kampanyang ito hanggang halalan na siya ay malusog at maganda ang pangangatawan,” ani Rodriguez.

-30-