BBM to fill up government’s 180,000 plantilla positions

28 April 2022

FULLY aware of the predicament of thousands of state workers who have been serving for the longest time without being given permanent status despite meeting qualifications, presidential frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. on Thursday said that it’s about time that the government pays attention to their plight.

According to Marcos, he feels sorry for government employees who have spent the best years of their lives in public service and yet continued to be classified as contract employees or job-order workers.

Marcos explained that regularization is a major issue not just for the private sector, but it has long been a concern also for those working in the government, “because some of them are only hired through job orders or contracts of service for one reason or another”.

Currently, there are around 600,000 to 700,000 job order workers in the government, even as there are about 180,000 ‘unfilled’ plantilla positions.

“May 180,000 unfilled plantillas kaya unahin natin iyong punuin at ayusin tapos silang mga JO workers sa national at LGUs ay sisikapin din nating ma-regular nang naaayon sa pondo ng pamahalaan at itinatadhana ng batas,” Marcos said.

Many government job order workers especially those with the local government units were earning only around P10,000 per month without enjoying the benefits and other perks that come with being on permanent status.

The current minimum wage in Metro Manila is P537 per day which is still comparatively low and could barely keep a family of five live decently, considering the high cost of living in the National Capital Region.

“Iyong minimum wage nga natin mababa na, tapos mayroon pa palang mas mababa diyan at ang masaklap sila pa iyong nagsisilbi sa bayan bilang mga manggagawa ng pamahalaan,” said Marcos.

“Hindi ko lubos maisip kung paano nakakaraos ang ating mga JO workers ngayon. Aayusin natin iyan para naman maging masaya rin ang kanilang pamilya,” he added.

Aside from lower salaries, casual and job-order workers often do not receive benefits such as Christmas bonuses and 13th month pays that regular or permanent employees get.

Marcos said he intends to propose a legislation that state workers who consistently receive "excellent performance evaluations" for at least three consecutive years be given the chance to be hired as permanents.

“Kung maganda naman ang kanilang rekord sa trabaho at consistent ang outstanding performance ratings, baka puwede na silang gwing regular kahit wala pang kaukulang eligibility,” said Marcos.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM pupunuan ang 180,000 plantilla positions sa pamahalaan

MAGANDANG balita sa mga empleyado ng pamahalaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin permanente ang status. 

Sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na panahon na upang pag-ukulan naman ng atensyon ang mga manggagawa sa pamahalaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nari-regular sa trabaho kahit kwalipikado naman.

Ayon kay Marcos, ramdam niya ang kahirapan ng lahat ng ating mga kababayan at maraming mga manggagawa na matagal ng naglilingkod sa pamahalaan ang hanggang sa ngayon ay nananatiling contract of service o di kaya naman ay job-order workers.

“May 180,000 unfilled plantillas kaya unahin natin iyong punuin at ayusin tapos silang mga JO workers sa national at LGUs ay sisikapin din nating ma-regular nang naaayon sa pondo ng pamahalaan at itinatadhana ng batas,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, maraming job order workers sa gobyerno lalo na iyong mga nasa local government units na sumasahod lamang ng mahigit P10,000 kada buwan.

Sobrang baba nito kumpara sa minimum wage ng nasa pribadong sektor na P537 kada araw o umasahod ng P13,962.

“Iyong minimum wage nga natin mababa na, tapos mayroon pa palang mas mababa diyan at ang masaklap sila pa iyong nagsisilbi sa bayan mga manggagawa ng pamahalaan,” sabi pa ni Marcos.

“Hindi ko lubos maisip kung paano nakakaraos ang ating mga JO workers ngayon. Aayusin natin iyan para namin maging masaya rin ang kanilang pamilya,” dagdag pa nito

Maliban dito, ang mga manggagawa na casual at job-order maliban sa mas mababa ang sweldo ay karaniwang hindi nakatatanggap ng mga benepisyo tulad ng mga Christmas bonus at 13th month pay na nakukuha ng mga regular o permanenteng empleyado.  

Dahil dito sinabi ni Marcos na hindi lamang sa pribadong sektor may malaking problema sa kontraktwalisasyon, kundi matagal na ring problema kahit sa pamahalaan dahil marami sa kanila ay mga job order o contract of service lamang.

Sa kasalukuyan, aabot sa 600,000 hanggang 700,000 job-order workers ang nasa gobyerno.

Nasa 180,000 naman ang ipinalalagay na nasa ‘unfilled plantilla positions.’

Isa sa dahilan kaya hindi ma-regular ang ilang JO worker ay dahil sa kakulangan ng kwalipikasyon, partikular na ang eligibility mula sa Civil Service Commission (CSC).

Kung si Marcos ang tatanungin, nais nitong magpasa ng batas para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na consistent na nakakakuha ng ‘outstanding performance ratings’ sa loob ng tatlong taon, para ma-promote at maging regular.

“Kung maganda naman ang kanilang rekord sa trabaho at consistent ang outstanding performance ratings, baka puwede na silang  gawing regular kahit walang kaukulang civil service eligibility,” ani Marcos.

“Hindi tama na naninilbihan ang empleyado na contractual, job order o moa (memorandum of agreement) workers sa mahabang panahon na walang employer-employee relationship. Masakit din para sa kanila dahil wala man lang silang natatanggap na benepisyo kaya dapat ibigay natin ang nararapat, lalo na ang kanilang dignidad,” sabi pa ni Marcos.

Idinagdag pa niya na ang mga government workers ang frontliners ng pamahalaan – may pandemya man o wala kaya sakaling manalo siya sa darating na May 9 elections, pipilitin niyang ma-regular sa trabaho ang daang libong bilang na JO workers ng pamahalaan.

-30-