Join the campaign (Learn More)

BBM thanks UniTeam donors, volunteers for prompt calamity response

Press Releases
17 December 2021

Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., expressed his gratitude to the UniTeam donors and volunteers' swift response to his call for aid to typhoon ‘Odette’ victims.

“Nakatutuwang isipin na kahit may pandemya buhay na buhay pa rin sa ating mga Pilipino ang Bayanihan. Nagpapasalamat ako sa mga donors at volunteers dahil sa taos-puso at maagap na pagtulong. Naging mabilis ang ating responde dahil sa inyo. Maraming salamat po,” said Marcos Jr.

According to Marcos Jr., even before the super typhoon made its landfall in the country, his office was already busy coordinating and pre-positioning relief supplies to be distributed to the communities that may be affected.

“Mula pa lang nang makita namin sa weather bulletin ng PAGASA ang sakop at lakas ng bagyong ‘Odette’ ay tumutok na kami. Nagpapasalamat tayo sa ating mga kaibigan at mga tagasuporta na walang sawang tumutulong. Kayo ang mga tunay na bayani sa panahong gaya nito,” added Marcos Jr.

Marcos Jr. added that UniTeam volunteers have finished preparing relief packs for several days in warehouses.  More than a hundred volunteers are still busy with this task, and more will arrive to help this number this week.

Marcos Jr.'s chief-of-staff and spokesman, Atty. Vic Rodriguez pointed out that it is not proper for someone 'genuinely' trying to help, to draw attention unto themselves in a calamity situation.

“Hindi baleng walang umeepal na lider-lideran, basta may dumarating na tulong. Mas importante na may nararamdamang tulong ang mga tao kaysa sa ‘nagpapakitang-tulong’ lang,” said Atty. Rodriguez.

As of this writing, convoys of relief trucks were being prepared to extend aid to the following areas; Tacloban City, Surigao, Cagayan De Oro, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Samar, Leyte, Masbate, Bohol, Cebu Province, and Cebu City.

-30-

Photo shows some of the volunteers for the BBM-Sara UniTeam working double-time preparing relief goods  for the victims of the typhoon at a warehouse in Taguig. Before super typhoon Odette entered Philippine territory, the BBM-Sara Uniteam promptly prepared aid to be sent to the victims of the typhoon such as rice, various canned goods such as sardines, corned beef, meatloaf, milk and coffee. 

Ang ilan sa mga volunteers para sa BBM-Sara UniTeam na tuloy-tuloy na nagtutulong-tulong sa isang warehouse sa Taguig para agarang maihatid ang ayuda sa mga nasalanta ng bagyo. Bago pa pumasok ang super typhoon Odette ay maagap nang inihanda ng BBM-Sara UniTeam ang mga ipapahatid na tulong tulad ng bigas, iba’t ibang delata tulad ng sardinas, corned beef, meatloaf, gatas at kape.

-30-
FILIPINO VERSION

BBM nagpasalamat sa taos-pusong tulong para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Odette’

Nagpasalamat si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa taos-puso at maagap na pagtugon ng mga donors at volunteers sa kanyang ikinasang relief mission para sa mga nasalanta ng super typhoon ‘Odette’.

“Nakatutuwang isipin na kahit may pandemya buhay na buhay pa rin sa ating mga Pilipino ang Bayanihan. Nagpapsalamat ako sa mga donors at volunteers dahil sa taos-puso at maagap na pagtulong. Naging mabilis ang ating responde dahil sa inyo. Maraming salamat po,” sabi ni Marcos Jr.

Ayon pa kay Marcos Jr.,  bago pa man nag-landfall ang nasabing super typhoon sa bansa ay abala na ang kanyang tanggapan sa pag-coordinate upang mapre-position ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga komunidad na maaaring maapektuhan.

“Mula pa lang ng makita namin sa weather bulletin ng PAGASA ang sakop at lakas ng bagyong ‘Odette’ ay tumutok na kami. Nagpapasalamat tayo sa ating mga kaibigan at mga tagasuporta na walang sawang tumutulong, kayo ang mga tunay na bayani sa panahong gaya nito,” dagdag pa ni Marcos Jr.

Tuloy-tuloy ang pagkakamada sa mga relief packs ng mga volunteers ng UniTeam na ilang araw nang nagrere-pack sa mga warehouse. Mahigit isandaang volunteers ang ngayon ay abala sa gawaing ito at inaasahan pang madaragdagan sa  linggong ito ang kanilang bilang.

Ayon naman sa pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, ang chief-of-staff at tagapagsalita ng dating senador, hindi magandang gawain para sa isang tumutulong ang umepal o ‘magpa-pogi’ sa panahon ng kalamidad.

“Hindi baleng walang umeepal na lider-lideran, basta may dumarating na tulong. Mas importante na may nararamdamang tulong ang mga tao kaysa sa ‘nagpapakitang-tulong’ lang,” sabi ni Atty. Rodriguez.

Umaarangkada na rin ang mga convoy ng relief trucks na magpapaabot ng tulong sa mga sumusunod na lugar; Tacloban City, Surigao, Cagayan De Oro, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Samar, Leyte, Masbate, Bohol,Cebu Province, at Cebu City.

-30-