Join the campaign (Learn More)

BBM SUPPORTERS CANCEL HATE WITH POSITIVE CAMPAIGNING

Press Releases
10 November 2021

INSTEAD of promoting ‘hate politics,’ several supporters of Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. have launched the positive campaign program advocated by Marcos in support of his presidential race in the upcoming 2022 polls.

Marcos, who is promoting “Pagkakaisa at hindi Pagkansela” on his 184th BBM Vlog, hailed the different forms of ‘positive campaigning’ initiated by his supporters to strengthen his candidacy.

Marcos, the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, said he intends to pursue a unique campaign style and avoid engaging in gutter politics.

"Ikinatutuwa ko naman at hinahangaan ko ‘yung mga supporter natin dahil may ilang grupo na naglunsad ng napaka-positibong pangangampanya,” said Marcos.

“Mayroon nag-beach clean-up sa Boracay, nag-tree planting, may mga nag-community pantry, may nagpapakain, may gumagawa na tinatawag nilang BBM discounts, kabaliktaran ito ng boycott,” Marcos added.

Marcos, who is seen by many as a unifying leader, also appealed to the followers of other politicians to avoid the so-called ‘cancel culture’ or boycotting or hate politics, especially during this pandemic.

“Yun lang ‘yung hindi ko matanggap ay nadadamay pa ‘yung maliliit na negosyo at negosyante, ang tinutukoy ko ay ‘yung tinatawag na ‘cancel culture,’ nakarating sa akin ang mga balita na may bino-boycott daw na kanilang restaurant, kanilang negosyo, mga barberya, kanilang hanapbuhay dahil lamang sila ay may sinusuportahang pulitiko o dahil sila ay aking supporter. Nakakalungkot naman na ito ay nangyayari sa panahon ng pandemya,” Marcos added.

Marcos said he would continue to promote positive campaigning as he encouraged all his supporters to avoid engaging in political bickering.

“Saludo ako sa mga ideyang ito, dahil bukod sa makabago ay may malasakit sa kapwa at kapaligiran. Maraming salamat sa ating mga taga-suporta at ipagpatuloy niyo lang ang pagpapakalat ng maganda nating mensahe, sa halip na mag-kansela tayo ay magkaisa,” Marcos added.

-30-

FILIPINO VERSION

POSITIBONG PANGANGAMPANYA RESBAK NG MGA TAGASUPORTA NI BBM

SA halip na isulong ang maruming pulitika, ilang grupo ng mga tagasuporta ni Presidential Aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. ang naglunsad ng “positive campaign” program para suportahan ang pagtakbo ni Marcos bilang pangulo sa 2022 national elections

Nauna nang inilunsad at isinulong ni Marcos ang “Pagkakaisa at hindi Pagkansela” sa kanyang ika-184 na BBM Vlog kaya pinupuri niya at isinusulong ang iba’t-ibang “positive campaigning” ng kanyang mga tagasuporta.

Si Marcos na standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay naninindigang palaganapin ang positive campaigning at siniguro ang publiko na iiwas sa pakikipagbatuhan ng putik sa mga katunggali sa pulitika.

"Ikinatutuwa ko naman at hinahangaan ko ‘yung mga supporters natin dahil may ilang grupo na naglunsad ng napaka-positibong pangangampanya,” ayon kay Marcos.

“Mayroong nag-beach clean-up sa Boracay, nag-tree planting, may mga nag-community pantry, may nagpapakain, may gumagawa na tinatawag nilang BBM discounts, kabaliktaran ng boycott,” dagdag ni Marcos.

Si Marcos na hinahangaan dahil sa kanyang pagiging “unifying leader” ay umapela din sa mga tagasuporta ng kanyang mga katunggali na ipatupad ang positive campaigning at iwasan ang “gutter politics” o “cancel culture” at “hate politics.”

“Yun lang ‘yung hindi ko matanggap ay nadadamay pa ‘yung maliliit na negosyo at negosyante, ang tinutukoy ko ay ‘yung tinatawag na ‘cancel culture,’ nakarating sa akin ang mga balitang may bino-boycott daw na kanilang restaurant, kanilang negosyo, mga barberya, kanilang hanapbuhay dahil lamang may sinusuportahang pulitiko o dahil sila ay aking supporter. Nakakalungkot naman na ito ay nangyayari sa panahon ng pandemya,” ani Marcos.

Nangako rin si Marcos na pakikiusapan at hihikayatin niya ang iba pa niyang mga supporters na isulong ang positive campaigning.

“Saludo ako sa mga ideyang ito, dahil bukod sa makabago ay may malasakit sa kapwa at kapaligiran. Maraming salamat sa ating mga tagasuporta at ipagpatuloy niyo lang ang pagpapakalat ng maganda nating mensahe, sa halip na mag-kansela tayo ay magkaisa,” Marcos added.

-30-