BBM sheds tears over a fish vendor who offered earnings to support his campaign

22 March 2022

Presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. could not hold back his tears after a female fish vendor tried to give her  day’s earnings to help his candidacy during a campaign caravan in Navotas City on Sunday.

The touching scene, captured during the event's live stream, was posted on Marcos' official Facebook page and has become viral with 3.8 million views as of press time.

Meanwhile, on Marcos' YouTube channel, the video has garnered more than three hundred thousand views in less than 24 hours.

Even overseas Filipino workers (OFWs) are already abuzz due to the heart-warming incident and posted touching comments on various social media platforms.

“Nakakakilabot. Nakakaiyak. Kahit sino mata-touched sa ginawa ni Aling Clemencia,” said Navotas Mayor Toby Tiangco who was with Marcos and talking with Aling Clemencia.

According to information gathered by Mayor Tiangco, Clemencia 'Inday' Garcia is a fish vendor at the Navotas Fish Port.

“Mahirap lang ang pamilya nila kaya hahanga ka sa dedikasyon nilang tumulong kay BBM,” Tiangco said.

Tiangco accompanied Marcos throughout the caravan held in his city.

Tiangco said that he and Marcos were surprised when Aling Clemencia dashed in-front of the other supporters to hand over the envelope to the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer.

“Na-stuck kami sa trapik. Hindi kami makaabante sa rami ng tao. Nang may mag-abot ng sobre, nagkatinginan kami ni BBM. Sabi namin buksan tapos nagulat kami nang may nakalagay na pera,” ani Tiangco.

Tiangco added that they looked for Aling Clemencia because she suddenly disappeared from the jampacked crowd surrounding their vehicle.  Luckily, she was spotted by one of Marcos' security escorts.

Marcos insisted on giving back the envelope to Aling Clemencia, but the latter declined to take it back.  “Hindi ko matatanggap ito,” Marcos was heard saying in the video.

“Tulong po namin iyan, sir. Hindi po mayor," Aling Clemencia told Tiangco when the latter suggested that only the letter be given instead of the bundle of cash.

To which Aling Clemencia replied, “Okay lang sir. Pinaghirapan po natin (namin) sa isda iyan sir. Thank you po mayor, Tulong po namin iyan sir.”

“Halika, mag-usap tayo. Iyong tulong n’yo sapat na iyon. Iyong boto n’yo sapat na iyon. Eto pinaghirapan n’yo to eh,” Tiangco said to the fish vendor.

“Para sa sambayanang Pilipino, Sir,” the teary-eyed lady quipped.

Marcos said, “Hindi ko gagamitin iyan.”

In the end, Marcos and Tiangco successfully returned the cash to Aling Clemencia, most of which came in P20, P50, P100 denominations and were held together by a rubber band.

“Alam mo iyong mga perang galing palengke. Hindi na namin binilang kasi sinoli namin. Pero makapal din. Siguro parang pinagpatong na cellphone ang kapal ng pera,” Tiangco added.

At this point, the supporters have started shouting: "BBM! BBM! BBM!"

Below is the full text of the handwritten letter given by Aling Clemencia to Marcos;

"Mahal na Pangulong BBM,

"Magandang araw po, ako po si Gng. Clemencia ‘Inday’ Garcia ng Navotas, isa po akong tindira ng isda sa fishport.

"Tanggapin po ninyo ang aking kunting ambag sa inyong patuloy na pagtulong sa sambayanang Pilipino. Mabuhay po kayo at buong UNITEAM.

"Mahal na mahal po naming kayo sampu ng aking pamilya Escarian at Garcia.

"Gumagalang,

"(Sgd) Clemencia Garcia

Marcos Loyalist Forever"

Meanwhile, Tiangco said that aside from the cash Aling Clemencia tried to give, many Navotas residents gave Marcos agricultural produce such as potatoes, fish, flowers, and even milk tea.

“Ganyan kamahal ng mga taga-Navotas si BBM,” Tiangco added.

-30-

Caption: First photo shows presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and fish vendor Clemencia “Inday” Garcia huddled together in the middle of the crowd during the UniTeam caravan in Navotas City; while second photo shows Aling Clemencia trying to convince BBM to listen to her pleading to accept her cash contribution for his campaign; and third photo is the letter she handed to Marcos Jr.

- 30 -

FILIPINO VERSION

BBM NALUHA SA TULONG NA IBINIGAY NG FISH VENDOR

HINDI napigilang mapaluha ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos matapos na abutan siya ng sobre na may lamang pera at liham ng pagsuporta ng isang matandang babaeng fish vendor habang nasa kalagitnaan ng campaign caravan sa Navotas City nitong nakalipas na Lunes.

Viral ngayon sa social media ang ginawang pag-abot ng sobreng may lamang pera ng isang fish vendor kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. habang nasa kalagitnaan ng campaign caravan sa Navotas City nitong nakalipas na Lunes.

Ang naturang video na may daang libong likes at share na sa YouTube, Facebook at iba pang social media platform ay pinag-uusapan na rin ngayon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakabase sa labas ng bansa.

“Nakakakilabot. Nakakaiyak. Kahit sino mata-touched sa ginawa ni Aling Clemencia,” ani Navotas Mayor Toby Tiangco.

Si Aling Clemencia ‘Inday’ Garcia ay isang fish vendor sa Navotas Fish Port.

“Mahirap lang ang pamilya nila kaya hahanga ka sa dedikasyon nilang tumulong kay BBM,” anang alkalde.

Kasama ni Marcos si Tiangco nang isagawa ang caravan sa kanilang lungsod.

Sinabi nitong pareho silang nagulat ni BBM nang may mag-abot na sobre para sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

“Na-stucked kami sa trapik. Hindi kami makaabante sa rami ng tao. Nang may mag-abot ng sobre, nagkatinginan kami ni BBM. Sabi namin buksan tapos nagulat kami nang may nakalagay na pera,” ani Tiangco.

Kaagad nilang hinanap ang babaeng nag-abot ng pera. Nawala umano ito sa mga nagsisiksikang crowd hanggang sa makita ng isa sa security ni Marcos.

Pilit isinasauli ni Marcos ang perang bigay ni Aling Clemencia, ngunit tumanggi ang ginang na tanggapin ito. “Hindi ko matatanggap ito,” ani Marcos.

“Tulong po namin iyan, sir. Hindi po mayor,” ani Aling Clemencia sa alkalde nang sabihin iyong sulat lamang nila kay Marcos ang tatanggapin at hindi na iyong bugkos ng pera.

“Okay lang sir. Pinaghirapan po natin (namin) sa isda iyan sir. Thank you po mayor, Tulong po namin iyan sir,” sabi ng ginang.

“Halika, mag-usap tayo. Iyong tulong n’yo sapat na iyon. Iyong boto n’yo sapat na iyon. Eto pinaghirapan n’yo to eh,” sabi ni Tiangco sa tindera.

“Para sa sambayanang Pilipino, Sir,” mangiyak-ngiyak na sabi ng ginang.

Sabi ni BBM: “Hindi ko gagamitin iyan.”

Sa huli, nanaig ang pakiusap nina Marcos at Tiangco na ibalik ang perang karamihan ay  tig-P20, P50, at P100 bills na nakabalot sa isang rubber band.

“Alam mo iyong mga perang galing palengke. Hindi na namin binilang kasi sinoli namin. Pero makapal din. Siguro parang pinagpatong na cellphone ang kapal ng pera,” sabi pa ng alkalde.

Sa puntong iyon, nagsisigawan na ang mga tao na: “BBM! BBM! BBM!”

Narito ang kabuuang laman ng sulat ni Aling Nemencia kay Marcos.

Mahal na Pangulong BBM,

    Magandang araw po, ako po si Gng. Clemencia ‘Inday’ Garcia ng Navotas, isa po akong tindira (tindera) ng isda sa fishport.

    Tanggapin po ninyo ang aking kunting (kaunting) ambag sa inyong patuloy na pagtulong sa sambayanang Pilipino. Mabuhay po kayo at buong UNITEAM.

    Mahal na mahal po naming (namin) kayo sampu ng aking pamilya Escarian at Garcia.

Gumagalang,

(Sgd) Clemencia Garcia

Marcos Loyalist Forever

Samantala, sinabi ni Tiangco na bukod sa sobreng mula kay aling Clemencia, marami ring Navotaseno ang nagbigay ng gulay, patatas, isda, bulaklak at kahit milk tea kay Marcos.

“Ganyan kamahal ng mga taga-Navotas si BBM,” sabi pa ni Tiangco.

-30-