BBM, Sara’s message of unity and continuation of Digong’s projects makes them unreachable —political analyst

30 March 2022

WITH barely six weeks before the scheduled May 9 elections, presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., and his running mate Davao Mayor Sara Duterte are leading in all recent surveys mainly due to the right messaging and better campaign strategies.

This was the assessment of political analyst Prof. Dindo Manhit in a previous radio interview, saying the message of “unity and the continuation of Duterte legacy,” is the biggest factor why the BBM-Sara UniTeam has maintained its big lead against their rivals.

“Yung diskurso na si Sen. Marcos ang pinaka-qualified na kandidato at ipagpapatuloy nga niya ang legacy na nasimulan ng kanyang pamilya at ang legacy na rin ni Pangulong Duterte . Yun ang dominant discussion na napapansin namin,” Manhit said, referring to the sentiments of the majority of the voting population.

“Yung konsepto rin na to continue his (Duterte administration) legacy na sa tingin nila at sa tingin ng mga botante na maganda itong legacy na Ito ay unity. So yun ang mga Bagay na nagkakaroon ng pagsunod ang nakararami,” the political analyst added.

In the latest Pulse Asia poll, Marcos improved his voter preference score to 60 percent while his closest opponent, Leni Robredo, had 15 percent.

Duterte also increased her margin as well over Sen. Tito Sotto after garnering 53 percent, in the vice-presidential race.

Based on the Laylo Research poll which had 3,000 respondents, Marcos was picked by 63 percent, while Robredo was chosen only by 17 percent, or a margin of 46 percent.

In the vice-presidential contest, 54 percent also chose Duterte, with her closest opponent trailing by a mile at 25 percent.

In the Social Weather Stations (SWS) survey, Marcos was preferred by 50 percent of respondents against Robredo’s 19 percent.

Duterte, on the other hand, was ahead of Sotto by 11 points, 44 percent against 33 percent.

Prof. Manhit also noted that the joining of forces of the Marcos and Duterte clan could also be the factor in the UniTeam’s lead.

“Ako naniniwala na ang pwersa ni Marcos ay nanggagaling din sa UniTeam niya with Sara Duterte.  So, nag-consolidate ang supporta ng Marcos at Duterte kay Sen. Marcos. So dapat patuloy na ipakita na sila ay talagang UniTeam,” he claimed.

Other candidates are trailing in the surveys mainly due to wrong messaging and campaign strategies, Manhit averred.

“Baka hindi nila naipapaliwanag at nailalatag talaga ang kanilang pinaninindigan at ano ba talaga ang positioning at posturing ng kanilang kandidatura. Hindi nila na-maximize yung strength dapat nila at yun ang nakuha ni Sen. Marcos that’s why maganda ang kanyang numero,” the professor said.


-30-

FILIPINO VERSION

Political analyst: BBM, Sara milya ang layo dahil sa maliwanag na mensahe ng pagkakaisa

TAMANG mensahe at maayos na campaign strategy ang dahilan bakit patuloy na nangunguna si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, at kanyang running mate na si Sara Duterte, ayon sa assessment ng isang political analyst.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Prof. Dindo Manhit na ang mensahe ng pagkakaisa at pagpapatuloy ng mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling malaki ang lamang ng BBM- Sara tandem sa kanilang mga katunggali.

“Yung diskurso na si Sen. Marcos ang pinaka-qualified na kandidato at ipagpapatuloy nga niya ang legacy na nasimulan ng kanyang pamilya at ang legacy na rin ni Pangulong Duterte . Yun ang dominant discussion na napapansin namin,” sabi ni Manhit na tinutukoy ang saloobin ng majority ng mga botante.

“Yung konsepto rin na to continue his (Duterte administration) legacy na sa tingin nila at sa tingin ng mga botante na maganda itong legacy na Ito ay unity. So yun ang mga bagay na nagkakaroon ng pagsunod ang nakararami,” dagdag pa niya.

Ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, nakakuha si Marcos ng 60 porsyentong voter reference score habang 15 porsyento naman ang nakuha ni Leni Robredo.

Tumaas din ang lamang ni Duterte sa kanyang katunggaling si Sen. Tito Sotto matapos niyang makakuha ng 53 porsyento.

Sa inilabas naman ng Laylo Research na may 3,000 na respondents, nakakuha si Marcos ng 63 porsyento habang 17 porsyento lang ulit ang nakuha ni Robredo.

Sa vice-presidential race, 54 porsyento din ang pumili kay Duterte habang 25 porsyento lang ang kanyang katunggali.

Base naman sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 50 porsyento ang pumili kay Marcos habang 19 porsyento si Robredo.

Habang 11 porsyento naman ang lamang ni Duterte kay Sotto matapos niyang makakuha ng 44 na porsyento sa survey.

Sinabi ni Manhit na maaring ang pagsasanib pwersa ng pamilyang Marcos at Duterte ang isa rin sa naging dahilan kung bakit tila napakalakas ng tambalang BBM- Sara UniTeam.

“Ako naniniwala na ang pwersa ni Marcos ay nanggagaling din sa UniTeam niya with Sara Duterte.  So, nag-consolidate ang supporta ng Marcos at Duterte kay Sen. Marcos. So dapat patuloy na ipakita na sila ay talagang UniTeam,” wika nito.

Dagdag niya pa, maaaring ang pagkakaroon o paggamit ng maling messaging at campaign strategy ang dahilan kung bakit nahuhuli na ang ibang mga kandidato.

“Baka hindi nila naipapaliwanag at nailalatag talaga ang kanilang pinaninindigan at ano ba talaga ang positioning at posturing ng kanilang kandidatura. Hindi nila na-maximize yung strength dapat nila at yun ang nakuha ni Sen. Marcos that’s why maganda ang kanyang numero,” ayon sa professor.

-30-