Join the campaign (Learn More)

BBM-SARA UNITEAM UNDERSCORES DATA PRIVACY SECURITY

Press Releases
4 December 2021

Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and Vice Presidential bet Mayor Inday Sara Duterte want the National Privacy Commission (NPC) to have more power to protect the public from future data breaches.

According to the formidable presidential and vice presidential tandem, many people have recently fallen victim to fake text messages by unscrupulous individuals who have been actively using the Internet to scam unsuspecting victims.

"Sumasabay sa nagbabagong panahon ang mga mapagsamantala. Dati ay mga fake raffles, fake loads, at fake deliveries na basta na lang dumadating kahit wala kang inorder. Ngayon pati pekeng trabaho. Dapat ay makasabay din ang sistema ng bansa at magkaroon ng kakayahan na maagapan ang mga ganitong sitwasiyon," BBM-Sara UniTeam said.

They emphasized that this is not the first time that the private data of Filipinos were compromised. Millions have fallen to illegal schemes because of data breaches and hacking even before the pandemic.

The BBM-Sara UniTeam said the added power of the NPC will allow them to detect and penalize institutions or groups who failed to put safeguards on their system.

Furthermore, the personal data of every Filipino is being used not only in communication but also in digital banking, registration in different government portals, and online transactions, they said.

Other government agencies should also learn and enhance their knowledge of the new technology to avoid data breaches, the BBM-Sara UniTeam added.

A substitute bill that will amend the Data Privacy Act of 2012 has already been approved by the Lower House to enhance NPC's capability to cope with the country's digital transformation.

Under the amended law, the NPC will have the power to impose administrative sanctions, including monetary penalty, summon, or subpoena any person to compel them to attend any investigation and proceedings before the commission to expedite any case brought to them.

"Halos kasabayan lang natin ang Singapore pagdating sa data privacy protection kaya mahalaga ay mas mapaganda pa natin ang ating sistema para mapakinabangan ng susunod pang henerasiyon," BBM- Sara UniTeam said.

-30-

FILIPINO VERSION

DATA PRIVACY PROTEKTADO SA BBM-SARA UNITEAM

Nais ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential bet Mayor Inday Sara Duterte na magkaroon ng higit pang kapangyarihan ang National Privacy Commission (NPC) upang mas maprotektahan ang impormasyon ng bawat Pilipino laban sa data breaching.

Ayon sa nangungunang presidential at vice presidential tandem, nito lang nakaraan ay marami ang nabiktima ng mga naglipanang fake text messages galing sa mga indibidwal na gumagamit ng internet para makapanloko.

"Sumasabay sa nagbabagong panahon ang mga mapagsamantala. Dati ay mga fake raffles, fake loads, at fake deliveries na basta na lang dumadating kahit wala kang inorder. Ngayon pati pekeng trabaho. Dapat ay makasabay din ang sistema ng bansa at magkaroon ng kakayahan na maagapan ang mga ganitong sitwasiyon," pahayag ng BBM-Sara UniTeam.

Binigyang diin nila na hindi ito ang unang pagkakataon na nakompromiso ang pribadong impormasyon ng mga Pilipino. Bago pa man magpandemiya ay milyon na ang nabiktima sa mga data breach at hacking.

Anila, ang dagdag na kapangyarihan na maibibigay sa NPC ay magbibigay-daan upang matukoy at maparusahan ang mga institusyon o grupo na nagkaroon ng pagkukulang sa pagprotekta sa kanilang sistema.

Ayon pa sa dalawa, ang personal na datos ng bawat Pilipino ay hindi lang ginagamit para sa komunikasiyon, kundi pati din sa digital banking, pagrehistro sa iba't-ibang government portals at pati sa kanilang mga online transactions.

Dagdag nila, dapat ding mapahusay ang kaalaman at kakayahan ng ibang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga bagong teknolohiya para mapigilan ang ganitong klase ng banta.

Sa kasalukuyan, ay naaprubahan na sa Mababang Kapulungan ang substitute bill na mag-aamyenda sa Data Privacy Act of 2012 para mas mapalakas pa ito at makasabay sa digital transformation ng bansa.

Sa isinusulong na batas, maaari nang magpataw ng administrative penalties at multa ang NPC. Magkakaroon din ito ng otoridad na mag-issue ng summon o  subpoena sa sinumang kailangan nila para sa kanilang imbestigasiyon upang mabilis nilang maresolba ang mga kaso na kanilang natatanggap.

"Halos kasabayan lang natin ang Singapore pagdating sa data privacy protection kaya mahalaga ay mas mapaganda pa natin ang ating sistema para mapakinabangan ng susunod pang henerasiyon," dagdag pa ng BBM-Sara UniTeam.

-30-