Join the campaign (Learn More)

BBM-SARA UNITEAM TO STRENGTHEN MINDANAO’s AGRI BUSINESS To make it PH’s food basket

Press Releases
21 November 2021

Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte assured that they will further strengthen Mindanao to become the country's food basket to help the region recover from the economic devastation caused by the Covid-19 pandemic.

In a statement, the Marcos-Duterte tandem, dubbed BBM-Sara Uniteam for both believe in, and advocate unifying leadership, said Mindanao must be at the forefront of the country's agricultural trade because one-third of its land area is devoted to agriculture.

“Bagama’t ang Mindanao ang itinuturing na isa sa pinakamahirap na isla sa bansa, ito naman ang maituturing na pinakamayaman pagdating sa mga natural resources. Kaya nararapat lamang na pagyamanin natin at palakasin ito nang maisakatuparan nating maging food basket ito ng bansa,” the duo, consistent topnotcher in all presidential and vice presidential nationwide formal and informal surveys, said.

Mindanao is long seen and considered to be the strategic food basket of the Philippines, currently producing 40 percent of the country's food needs and contributing more than 30 percent to national food trade.

“Malakas ang potensyal ng Mindanao dahil sa mayaman nitong lupa at magandang klima kaya nararapat lamang mapalakas ito para na rin sa pagbangon ng rehiyon na matindi ring tinamaan ang ekonomiya dahil sa Covid-19,” they stated.

The BBM-Sara Uniteam even cited Bukidnon, a well-known food source in northern Mindanao because it is a major producer of rice, corn and sugarcane in the country.

“Kilala ang Mindanao na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng palay, mais, saging, cacao at niyog. Kung matututukan natin ito at mas lalo pang palakasin ang produksyon walang duda na kayang-kayang makabangon ng Mindanao,” the duo stated.

They added that Mindanao also has great potential to strengthen the country's export industry.

“Sa halip na tayo ang nag-iimport ng mga produkto sa ibang mas mayayamang bansa, dapat tayo ang nag-eexport sa kanila dahil napakalaki ng potential ng mga agricultural land sa Mindanao,” the BBM-Sara Uniteam stressed.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM PALALAKASIN ANG AGRI PROGRAMS SA MINDANAO Upang mai-pusisyon bilang food basket ng bansa

SINIGURO ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte na mas palalakasin pa nila ang mga programang pang-agrikultura sa Mindanao upang gawin itong food basket ng bansa at makatulong para muling makabangon ang rehiyon mula sa pananalasa sa ekonomiya dulot ng pandemya sa Covid-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng BBM-Sara Uniteam, ang ang tuloy-tuloy na nangungunang tandem sa lahat ng pormal at impormal na mga presidential at vice presidential survey sa buong bansa, na nararapat lamang na maging sentro ng kalakalang pang-agrikultura ng bansa ang Mindanao dahil ang ikatlong bahagi ng kabuuang mga lupain sa rehiyon ay pulos agricultural land.

“Bagama’t ang Mindanao ang itinuturing na isa sa pinakamahirap na island region sa bansa, ito naman ang maituturing na pinakamayaman pagdating sa mga natural resources. Kaya nararapat lamang na pagyamanin natin, palakasin ito at gawin bilang food basket ng bansa,” ayon sa dalawa.

Itinuturing na malaki ang potensyal na maging food basket ng Pilipinas ang Mindanao dahil 40 porsyento ng pangangailangan sa pagkain sa bansa ay nagmumula sa “island region.” Mahigit 30 porsyento naman ang konstribusyon nito sa “national food trade.”

“Malakas ang potential ng Mindanao dahil sa mayaman nitong lupa at magandang klima kaya nararapat lamang mapalakas ito para na rin sa pagbangon ng rehiyon na matindi ring tinamaan ang ekonomiya dahil sa epekto ng Covid-19,” ani ng tambalan.

 Inihalimbawa pa nila ang Bukidnon na kilalang “major food  source” sa northern Mindanao dahil kilala ito bilang pangunahing pinagmumulan ng palay, mais at tubo (sugarcane) sa bansa.

“Kilala ang Mindanao na pangunahing pinagkukunan ng palay, mais, saging, cacao at niyog. Kung matututukan natin ito at mas lalo pang palakasin ang produksyon walang duda na kayang-kayang makabangon ng Mindanao,” sinabi pa nila.

Idinagdag pa ng tambalan na malaki rin ang potensyal ng Mindanao para palakasin ang export industry ng bansa.

“Sa halip na tayo ang nag-iimport ng mga produkto sa ibang mas mayayamang bansa, dapat tayo ang nag-eexport sa kanila dahil napakalaki ng potensyal ng mga agricultural land sa Mindanao,” giit ni nila.

-30-